SAMANTHA CORTEZ Point of View Masasabi nga ba natin na may mga bagay na hindi natin kontrolado o posible? Pero paano nangyari ang imposible sa posible? Paano naman ako mabubuntis? Wala pa ngang ilang linggo ng matapos ang huling menstruation ko. Naguguluhan ako at hindi na maintindihan ang nangyayari. Habang papuntang ospital ay nakahawak ako sa aking tyan. Saan nang galing yung heartbeat kanina? Totoo kayang buntis talaga ako? "Sure ka ba hindi mo kinausap si Doktora?" tanong ko kay Brian na nag dri-drive. "Paano ko makakausap? Hindi ba't bantay sarado nga ni lolo." "Pero paano nga nangyari 'yun? Ano, may extra power si doktora at nalalaman ang iniisip natin?" "Maybe." kibit balikat nitong sagot. Inirapan ko ito dahil nakukuha pa nitong mag biro. I mean kagabi lang pinoproblema na

