Chapter 17 Magkatabi sa iisang kama at nasa ilalim ng iisang kumot ang kanilang katawan na hubad sa buong mag damag, sila Eunice at Dylan. Napadilat si Eunice nang marinig niyang umiiyak sa kuna si Eulexis. Agad siyang napa balikwas ng bangon at agad na kumuha ng damit na masusuot galing sahig para matakpan ang kanyang katawan. Ngunit nang suotin niya ito, laking gulat niya na damit pala ni Dylan ang na suot niya. Huhubarin sana niya para magpalit nang marinig na naman niya ang sanggol kaya agad siyang lumapit para ito'y kargahan. Inalo alo niya ito, "gutom ka na ba baby?" Na gising na rin si Dylan, hinanap siya sa kama nito at saka tuluyang bumangon si Dylan. Hindi naman siya na pansin ni Eunice kaya agad na siyang nag bihis ng damit, "magandang umaga," taking-taka naman ni Eunice