Chapter 6 Gabe na nang makarating si Violet sa dating lugar kong saan una niyang nakita si Eunice, maraming taong nag lalakad, pa kaliwa, kanan sa kalsada, may mga sidewalk vendor din at mga kotseng nag daraanan. Nang makapag park siya agad na hinahanap ng mga mata niya si Eunice, hindi niya alam kong bakit doon siya dinala ng kanyang mga paa para mag hanap sa dalaga at nang matanaw niya ang katulad na pigura ng dalaga ay agad niya itong sinundan. Nag-iingat din siya na sana hindi siya mapansin ng kanyang sinusundan, takang taka siya sa kakaibang gupit nito na hindi pantay at puros naka itim na damit. Dumiretso ang kanyang sinusundan sa isang madilim at makitid na eskinita. Huminto na muna siya bago pumasok sa eskinita na yun, sa sandaling pag hakbang niya at pag lamon sa kanya ng di