Chapter 2

1031 Words
Chapter 2 Mahimbing na tulog ang lahat ng nakatira sa mansyon ng mga Jimenez, lalong lalo na si Eunice at ang kanyang anak nasa kuna. Dahil naka awang lamang ang pinto niya ay agad naka pasok ang isang hugis babaeng pangangatawan, naka balot siya ng puros itim na damit at may takip ang mukha ng isang balabal na tanging nakita sa kanyang mukha ay ang mga mata niya. Dahan-dahan siyang nag lumapit sa kuna, nakikiramdam at sandaling mapapa tingin sa ina ng sanggol kong tulog na ba itong tunay. Tumungo siya para makuha ang bata at dahang dahan kinarga sa kanyang bisig. Nang makuha niya ang bata ay agad na siyang lumabas at sa ilang minutong pasikot sikot para makapag tago sa mga iilang pang bantay sa labas ng mansyon, sa wakas naka labas din siya dala ang bata. Na andoon paren ang mabilis niyang pag hinga, hingal na halos habulin na siya ni kamatayan at butil ng mga pawis sa kanyang noo. Alam niyang hindi basta-basta ang pag kilos niya laban sa mga Jimenez at alam niyang pag nalaman ng mga ito ang kanyang ginawa ay mamatay siyang tuluyan. Pero may gusto siyang mabago sa takbo ng buhay ng bawat isa sa kanila at may gusto siyang itama sa mga nangyare. Alam niyang hindi siya maintindihan ng iba pero darating ang panahon na malaman din ng lahat ang totoo. Karga pa rin niya ang bata hanggang sa makasakay siya ng kotseng itim. “Fifth pumunta ka sa address na ito,” saka niya inabot ang ka piraso ng papel sa lalaking nasa driver seat. Binasa na muna ni Fifth ang address bago siya napa sulyap sa babaeng nasa likuran na may kargang bata. Umiikot ang lalaki ng kaunti para matanaw ang babae, “sure ka na pupunta tayu dito?” tanung ng lalaki sa babae, “at saka sure kana ba na gagawin natin toh? Paanu kong lalo lang lala ang lahat?” “Hindi lang naman ako ang may gusto ng pag babago, lahat sila gusto ang pag babago. Natakot lang silang lumabas dahil baka sunggaban sila ng isang malaking lion sa tabi nila. Oo sigurado na ako sa gagawin natin,” saka naman tinaggal ng babae ang balabal na tumatakip sa mukha niya para tuluyang makita ni Fifth ang mukha nito. Nagmaneho na agad si Fifth nang biglang magising ang sanggol na karga ng babae at ka sabay nito ang pag bagsak ng ulan. Napasulyap ang babae sa maamong mukha ng batang si Eulexis, nakita niya ang bilugang mata nito na animoy nag sabeng siya ang pinaka anghel na bata sa lupa at halos mag kahawig sa kanyang inang si Eunice ang sanggol na yun. “Patawarin mo ako kong ilalayu kita sa ina mo, alam kong may patutunguhan naman itong pag layu mo sa kanya. Ikaw ang magiging susi para mag ka balikan sila ng tunay mong ama tandaan mo yan,” napailing na lamang si Fifth sa mga narinig niya. Sadyang na damay din siya sa ka gustuhan ng babae pero kahit din si Fifth marami na ring nalaman kaya gusto din niyang mabago ang lahat. Nilalaro lamang ng bata ang kanyang maliit na kamay, may isa’t kalahating oras din ang biyahe nila para lang makarating sila sa isang mala gubat na lugar dahil sa nag lalakihang nitong puno. Sa gitna ng nag lalakihang puno na andoon ang lupang desinyu ng mansyon, tumanaw mula sa loob si Fifth kong wala bang tao sa labas para maka kita sa kanilang gagawin at nang masiguro niyang walang tao ay agad niyang kinuha ang malaking payong. Lumabas siya at pinag buksan ang babae na may kargang bata. Dahil malakas paren ang bata mas ayus na mabasa sila kesa ang bata at baka mag ka roon ito ng sakit. Nagmadali silang lumapit sa bahay sa may pintuan nito at basta lamang nilapag ng babae ang kargang sanggol sa harap ng pintuan. May kinuha pa siyang papel at agad na sinuksok sa damit nitong maliit, “dalian muna,” wika ni Fifth sa kanyang tabi. Hinalikan niya sa noo ang bata at kumatok ng nakapa lakas-lakas sa mansyon na yun. Ilang beses pa niyang inulit ang pag katok para masiguro nilang makuha agad ang bata sa labas. “Patawarin mo talaga ako kong ikaw ang gagawin kong susi,” aniya ng babae. Saka naman niya hinila ang lalaki pa tungo sa kotse nang maka rinig sila ng iilang yapak mula sa loob. Nagmadaling nag maneho si Fifth paalis sa lugar na yun. Nagbukas ng malaking pinto at unang lumabas si Kenneth. Kumakamot pa ito sa kanyang ulo ka sabay ang sa puwetan niya. Natanaw pa niya ang ilaw na maliit na nang galing sa papaalis na kotse pero hindi na lamang niya ito pinansin hanggang sa mapa baba ang tingin niya sahig. Laking gulat niya na may sanggol sahig, dahil sa takot na baka mabasa ito ng ulan at mag ka sakit sa lamig sa labas agad niya itong kinuha para kargahin. “Dylan! May sanggol sa labas ng bahay mo!” pag ka pasok niya sa bahay at tuluyang sinara ang pinto. Nang marinig naman nila Tiara at magulang ni Dylan ang sigaw ni Kenneth ay pati na rin sila ay nag si lapitan sa binata. Gulat na gulat din ang mga taong nakatira doon sa mansyun na yun, “saan yan galing?” tanung mula kay Tiara. “Kaninu yan galing?” tanung naman galing sa ama ni Dylan. “Hindi ko po alam, hindi ninyu ba narinig yung ilang beses na katok sa pinto ng bahay ninyu, pababa kase ako nang sakto ko ring marinig yun para uminum ng tubig at nang buksan ko ang pinto nakita ko na tong bata.” May kakaibang naramdaman ang pamilya Otis sa bata lalong lalo na si Dylan. Kinuha niya ito kay Kenneth at siya na mismo ang kumarga, “may kakaiba sa batang ito,” saka niya kinuha ang naka usling papel sa damit nito. Binigay niya kay Kenneth at binuksan naman ng binata, “basahin mo mukhang importante yan,” utos niya. “Alagaan na muna ninyu si Eulexis na sanggol na hinatid namin sa inyu, kukunin din namin siya agad.” Malakas na basa ni Kenneth na tamang marinig ng mga kasama niya. Napa isip ang mga ito lalo na si Dylan. “Hindi talaga basta ordinaryong bata yan,” wika ng ina ni Dylan. “Mukhang aswang din ang magulang ni Eulexis,” aniya ni Tiara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD