Kusot- kusot ni Fara ang kanyang mga mata nang maalimpungatan siya. Nasapo niya ang kanyang ulo habang dahan-dahan siyang bumabangon. Napalunok pa siya nang maramdaman ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Ikinurap kurap niya ang kanyang mga mata at mabilis na sinuyod ang paligid. Agad siyang na-alarma nang makitang hindi pamilyar ang kinaroroonan niya. Mabilis niyang tiningnan ang kanyang sarili tapos. Wala namang nawala sa kanyang suot. Wala rin naman siyang nararamdamang kakaiba. Iginala niya ulit ang kanyang paningin tapos ay saka niya naalala si Dee. Agad siyang bumalikwas sa kama. Halos lumabas na sa kanyang dibdib ang kanyang puso sa sobrang kaba. Nagsimula siyang magpanic. Sa sobrang panic niya ay halos hindi na niya alam ang gagawin. Sobrang laki ng kwartong kinaroroon