Humahangos si Fara nang bumaba siya ng taxi. Naikuyom niya ang kanyang mga kamay habang tinitingnan ang mansyon ng mga Deogracia. Umiigting ang kanyang panga at ramdam na ramdam niya ang pagkulo ng kanyang dugo. Parang lahat ng iyon ay umakyat na sa kanyang ulo at para na siyang sasabog na siya sa sobrang galit. Huminga siya nang malalim at saka mabibigat ang mga pang nagmartsa papunta sa gate ng mansyon. Sunod-sunod niyang pinindot ang doorbell. “Dylan! Ilabs mo ang anak ko! Kidnapper ka! Ilabas mo ang anak ko!” Malakas niyang pinukpok ang gate at hindi tinigilan ang doorbell. Habol-habol niya ang hininga. Mariing kinagat niya pa ang kanyang labi para pigilan ang luhang nagbabadyang lumabas sa kanyang mata. Naiiyak siya sa sobrang galit na gusto niyang pasabugin ang buong man