“Hindi ka naman allergic sa dates?” Mabilis na sinimangutan ni Fara si Landy. Tumawa naman ang lalaki at saka itinaas ang dalawang kamay sa kanya. “Nagtatanong lang ako! Ikaw naman!” Humalakhak ulit ito. Inirapan niya nga tapos sinamaan ng tingin. Ngising ngisi pa rin naman si Landy na para bang nang-aasar pa. Sumandal pa ito sa likod ng inuupuan nilang kawayang upuan at ipinagkuro ang dalawang braso. Kitang kita mula sa kanilang pwesto ang palubog na araw. Katatapos lang niya sa pag-pack ng mga kamoteng kahoy. Tinulungan pa nga siya ni Landy kanina pagkatapos nilang mag-usap. Normal naman ito kanina ewan niya kung bakit umandar na naman ang pagka- mapang- asar nito. Umismid siya rito. Mas lalo naman itong humalakhak na tila ba inaabangan ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mu