Sumimangot si Fara tapos ay tumingin kay Landy. Tumawa naman ang lalaki sa kanya. Kasalukuyan silang magkatabi sa kawayang upuan sa labas ng kubo. Tanghalian ngayon kaya nakatambay sila roon ngayon. Katatapos lang nila ng tanghalian at ang iba ay nasa kani-kanilang mga mundo na. Tapos na rin naman sila sa mga trabaho kaya okay lang na nandoon sila. “Bakit?” tanong pa nito. Bumuntong-hininga lang siya at inilingan ito. “Wala.” Mas lalong kumunot ang noo ni Landy. “What? Ang labo mo.” Tumawa ulit ito. Umirap siya. “Wala nga. Wag mo na lang akong dalhan ng mga pabulaklak, pwede? Tsaka paano ka nakakakuha ng mga fresh na bulaklak sa farm?” Siya naman ang nagkunot ng noo rito. Paano, halos araw-araw kasi kung magbigay ito ng mga bouquet ng fresh flowers, yung talagan