(JANNA SANTOS' POINT OF VIEW) "DADDY!" Malakas na sigaw ni Timothy ng makita niyang papalabas si Ice ng airport. Agad na tumakbo ang bata palapit a kaniya dahil sabik na sabik itong makita ang kaniyang Daddy. Marami namang mga press ang nasa labas din at sumalubong sa kaniya, pinipicturan ang paglabas nito sa airport. Di naman niya pinansin ito at sinalubong niya si Timothy, at saka binuhat ito. May binulong siya sa bata at saka naman ako tinuro nito bago pa siya lumapit sa akin ay dinumog na siya ng press. "Mr. Fontanilla, ano po ang masasabi nyo sa break up ni Liquid at ni Janna? Totoo bang ikaw ang third party sa relationship nila?" tanong ng isang reporter. "Excuse Me, but I don't have to answer thatv" sabi niya sa reporter. Ngayon na nakabalik na si Ice, naging mas maingay ang issu