(JANNA SANTOS' POINT OF VIEW) NANLAKI ang aking mga mata ko. Bakit ako nadadala ngayon? Bakit para din akong uhaw sa halik niya? Bakit gusto ko ang nangyayaring ito? Agad ko siyang natulak sa buhangin, nagkatinginan kaming dalawa. Nagmamadali akong tumayo at nakita ko si Liquid na nakatingin sa akin. Umiiling siya habang bakas ang inis sa kaniyang mukha at pigil na pigil ang emosyon na gusto niyang ilabas. "Liquid," tawag ko sa kaniya. "Jang!" tawag sa akin ni Ice. "Liquid, hindi ko tala--" then he walked out. Hinawakan ni Ice ang kamay ko. Pero pabalya kong inalis iyon. Sinamaan ko siya ng tingin at agad kong hinabol si Liquid. "Liquid! Liquid.. Teka lang!" sigaw ko. "Jang Wait!" hinahabol din pala ako ni Ice. Nagtuloy-tuloy si Liquid hanggang sa loob ng hotel na tinutuluyan namin