(JANNA SANTOS' POINT OF VIEW) MAHIGIT tatlong buwan na rin ang lumipas mula ng mangyari iyon. Tatlong buwan ng ganito ang sitwasyon namin, tatlong buwan na akong nalilito at hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ko ba kasi nagawa iyon? Pakiramdam ko sobrang mali nang aking desisyon "Cut! Change outfit!" anunsyo ng direktor at umingay na ulit ang set, para naman akong nagising sa aking pagiisip ng mga oras na iyon. Nakita ko ang papalapit si Liquid, hindi ko na nahanda ang damit niya sa pagiisip ko ng mga bagay-bagay. "Nasaan na ang clothes ko?" nagtataka niyang tanong sa akin. Agad ko naman na kinuha ang damit agad kong inabot sa kaniya. "May kulang ka pa ba diyan? Ah yung belt teka hanapin ko lang." natataranta kong saad sa kaniya at saka ako yumuko para hanapin ang belt sa lala