Naging maayos ang usapan namin ng may-ari ng building. Mabilis din ito kausap pagdating sa upa. Limang palapag ang uupahan namin para sa company branch na itatayo dito sa long beach California. Alas-dos na ng hapon ng natapos ang meeting sa owner ng building. Nilibot din namin ang limang palapag upang magawan ng plano para sa set-up ng office na gagawin. Isa palang engineer si Jake at buong akala ko ay isa siyang business man at business related ang tinapos niyang kurso, dahil isa siya sa major shareholder sa Haute Corps. Pero mukhang mas binigyang tuon niya ang pag-ne-negosyo na gaya ni kuya. Engineer din si kuya pero ng pinamahala na sa kaniya ni daddy ang kompanya ay wala siyang nagawa kundi ang mag-quit sa trabaho niya noon sa isang magandang kompanya. Hindi din siguro ako isa