"Mukha kang tuta na iniwan ng amo niya," puna sa 'kin ng kapatid ko. "Tigilan mo ko, Yella." Sinamaan ko siya ng tingin bilang pagbabanta. Kasalukuyan kaming nasa salas ngayon at nanunuod ng tv. Gusto ko pang mangiba sapagkat ngayon lang ulit kami nagkasama. Doon ko lang napagtanto ang mga bagay na nagbabago sa paglipas ng panahon. Priority ko ang kumpanya ni Daddy, priority ng kapatid ko ang pag-aaral niya habang ang mga magulang naman namin ang umaasikaso sa ibang negosyo. Hinarap ako ni Yella at pinakatitigan na animo'y may hinahanap sa mukha ko. "Sabihin mo nga sa 'kin, ate. Ano ba talaga ang nararamdaman mo? Baka sakaling maintindihan kita," aniya. I rolled my eyes and leaned on the couch. Nagpakawala ako nang malalim na hininga kasabay nang pagseseryoso ko. Si Adrian lang ang m