"Are you really okay, Daeshaia?" Pagkuha ni Rafael ng atensyon ko. Agad akong umayos mula sa pagkakasandal sa headboard ng hospital bed at nanghihingi ng dispensang ngumiti. "I'm sorry," I murmured. Matipid siyang ngumiti at hinaplos ang buhok ko. "Huwag mo nang uulitin 'yon, Daeshaia. Pinag-alala mo ako," mahinahong sambit niya. Tumango ako nang marahan bilang tugon. "Mahal na mahal ka talaga ni Ate Dae, kuya. Lahat kayang gawain para sa 'yo," tumatawang panunuya ni Marish mula sa couch kung saan naroon din sina Yella, Cassandrei at Adrian. Napangiti nalang ako bagamat naroon ang pagtataka sa 'kin dahil mariing nakatitig ang kapatid ko. Narito sila ngayon para dalawin ako pagkatapos nilang mabalitaan ang nangyari sa 'kin. Ipinagsawalang bahala ko nalang ang paninitig ni Marish at it