PINING "Y-you knew. You f*cking knew." sumbat ko kay Charlie matapos kong marinig yung kwento ni Charity kay Klarisse. At tulad ni Charity, hinang-hina din ako matapos kong marinig lahat yon. "Yes." wow, at yun lang yung sagot nya. Hindi man lang ba sya magpapaliwanag? "All this time, akala ko niloko lang ako ni Charity. Akala ko pinaglaruan nya lang ako. Pero hindi pala. At ikaw, matagal mo na palang alam pero hindi mo man lang sinabi sa akin? Bakit Charlie? Bakit? Bakit mo hinayaan na mamuhi ako sa kanya?!" hindi ako makapaniwala. Kanina, habang nakikinig ako, ramdam na ramdam ko yung sakit at paghihirap ni Charity. Kung ako, may Charlie at Klarisse nung time na lugmok na lugmok ako, sya, mag-isa lang. Walang ibang dumamay sa kanya. Sinarili nya yung sakit na nararamdaman nya. "It's