PINING "Mukhang maganda yung gising nung isang bata ah, Charlie. Aba'y kumakanta-kanta pa o." inikutan ko lang naman sila ng mata dahil sa narinig ko. Bahala sila, maganda yung mood ko kaya hindi ko hahayaan sirain nila. "Actually Klangertz, kagabi pa sya ganyan. Hindi ko nga alam kung nakatulog yan eh." tukso pa ni Charlie. Hay nako, go lang. Kebs ko pa rin. "Bakit kaya? Hmmm. May kinalaman kaya dyan yung eksenang naabutan natin kagabi?" sabay tingin pa sa akin ni Klarisse sa rear view mirror. Pero tulad kanina, hindi ko pa rin sila pinansin. Busy ako dito sa pag-ha-hum. "Hindi ko rin alam pero feeling ko, may kinalaman nga yon. So tingin ko lang, hindi na nya maitutuloy talaga yung plano nya." sabi pa ni Charlie. "Depende yan sa tigas ng ulo at tigas ng puso ng kapatid mo." sabi pa