PINING "O sige na pipino, halikan mo na yang si Sleeping Beauty para magising na at makaalis na tayo." at ganun na lang yung pagmulat ko matapos kong marinig yon. What the f*ck? Anong ginagawa nya sa kwarto ko? At bakit sya pinapasok nila Charlie at Klarisse?! Agad akong bumangon at tumingin sa tabi ko. At ganun na lang yung paniningkit ng mga mata ko nang makarinig ako ng tawanan. Hay nako, napagkaisahan na naman ako! Inis na bumalik na lang ako sa pagkakahiga at nagtalukbong. Bakit ko nga ba inisip na pupuntahan ako ni Charity dito diba? Kahit kelan talaga, ang tanga-tanga ko! "See? Sabi ko naman sa'yo, pipino, kapag narinig ni Pining Garcia yung pangalan mo, magigising agad yan." narinig ko pang sabi ni Klarisse. Ewan ko sa inyo. Bahala kayo dyan, basta ako, matutulog dito. Ang a