“BUMALIK po ‘yong assistant ni Mr. Al Trillanes para sa isang proposal. Inilagay ko na lang sa mesa mo ‘yong folder,” ang pagpaalam ni Reena kay Nikki. “Ah, sige. Titingnan ko na lang pagbalik ko riyan. Ikaw na lang muna ang bahala sa punerarya, ha, Ate Reena?” habilin niya. “Oo. Ayos lang. Nasanay na ako lalo na nitong mga nagdaang linggo dahil may boyfriend ka na,” birong saad nito na napatawa. Napangiti na lang siya at nagpaalam habang nag-iinit ang kaniyang pisngi. Naglakad na sila ni Caden palabas ng amusement park nang magkahawak-kamay. “Paano mo in-arrange ‘yong surprise mo para sa ‘kin, hmm?” tanong ni Caden. “Ah, kasi ideya ‘yon actually ni Eden kasi tinanong ko siya kung ano ang puwedeng maging sorpresa ko sa ‘yo. Sabi niya kakilala niya ang nag-ma-manage doon sa Horror Cas