“Anghelisha, dear?” Si Dracul pala itong tumatawag. Saglit akong pumakawala ng malalim na hininga. Sana hindi sinabi ni Ryū ang nangyari sa ‘min noong nakaraang araw. “I am listening,” mahinahong sambit ko. “Dear, hinahanap ka ni Ryūjin. Pumunta s’ya sa bahay n’yo ni Ryū pero wala raw tao roon.” Malamang nasa trabaho ang anak n’ya. “Nasa café ka ba ngayon?” “Yes.” “I knew it. Ryūjin will come over there.” Naramdaman kong tumibok ang talukap ng mga mata ko. “Bakit?” “He said… that he just wanted to see you. Kakauwi n’ya lang kagabi galing North Korea. I told him the possible places you have been. On the way na s’ya ngayon diyan. Ang sabi n’ya sa ‘kin, he wants to give you a friendly gift.” Sinasabi n’ya pa lang pero umiinit na ang ulo ko. “Oh, okay.” “I will hang up now.” Hindi n

