CHAPTER 16

1803 Words

Nagpaalam nang umalis si Sephora. Sinara n’ya muna ang pinto kaya hinarap ko naman si Ryū. Yumuko ako saka hinila ang kumot. Bumulaga sa ‘kin ang presens’ya n’yang naka-tihaya sa kama at salubong na salubong kaagad sa ‘kin ang naniningkit n’yang mga mata. Naalala ko tuloy ‘yong unang pagkikita namin na ganitong-ganito rin ang hitsura n’ya. “’Wag mo akong simangutan at baka tumagilid sa ‘kin ang panga mo,” seryosong banta ko. “Take my hand.” Inalok ko sa kan’ya ang kaliwang kamay ko. Nakita kong napa-baba ang tingin n’ya roon pero lalo lang umasim ang facial expression n’ya. “Ryu, ‘wag mong antayin na hihilahin kita.” Akala ko hindi n’ya ako susundin pero kusa n’yang kinapitan ang kamay ko kaya kumuha na agad ako ng puwersa at dahan-dahan s’yang pinaupo sa kama. “Sandali lang.” Kinuha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD