Araw ng therapy niya, at parang gusto na agad niyang sumuko. Hindi lang sa masakit kundi sobrang hirap ng dinadanas niya. “Baby, hindi ko yata kakayanin.” “Kaya mo, hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo.” kahit ang totoo ay awang awa siya dito. Kitang kita niya kung paano nito pinipilit na kayanin. Kaya ng mga sumunod na araw ay hiniling na lang niya kay Andrea na huwag siyang panoorin. Dahil pag naroroon ang kaniyang mahal ay nakikita niyang umiiyak ito habang nakamasid sa kaniya. Kaya mas mabuting hindi na nito makita siya sa mga dina danas na hirap. Habang lumilipas ang mga araw ay parang nawawalan na siya ng pag asa na makaka lakad pang muli. Nagsimula na rin ang pagiging mainitin ang ulo niya. Para bang walang mangyayari sa araw na araw na therapy niya. “Itigil na natin ito, wal