"Agad na hinila ni Luke si Wai pasakay sa sasakyan, at sana namalik mata lamang siya sa kanyang nakita, at hindi maari na nasa bansa ang lalaki. "Hinding-hindi!" sa isip niya. "Bakit parang ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong ni Wai ng napansin niyang tahimik si Luke sa pagmamaneho. "Ha? eh wala, may inisip lang akong project." pagsisiningaling nito kay Wai, ayaw niyang ipaalam muna dito hanggat hindi siya nakakasiguro sa kanyang nakita. "Okay." sagot na lang ni Wai, ayaw na niyang usisain kung ano pa man ang nasa isip ng boyfriend. "Huwag mo ba akong ihatid sa taas, kaya ko na." ani Wai kay Luke ng nasa lobby na sila ng condo. "Sure ka?" tanong naman ni Luke. "Yes." nakangiting sagot ni Wai, at humalik na ito sa pisngi ni Luke at saka bumaba na ng sasakyan nito. Ng nakita ni Luk