♕PROLOGUE♕

338 Words
♛♕♛ Nakatingin ako sa mga kamay ko na naginginig dahil sa takot at sa lamig nang malalim na gabi, kulay pula ang paligid at puno ng mainit at malapot na dugo ang aking mukha at damit. Napatingin ako sa kaniya habang wala siyang buhay na nakatitig sa'kin, napalunok ako dahil sa imaheng nakikita ko sa mura kong edad saka ako lumapit sa aking ina at pinikit ang kaniyang mga mata, tumingin rin ako sa katabi niyang lalaki na halos wala ng damit, lumapit ako rito at muli kong tinaas ang hawak kong patalim saka ilang beses na inundayan ng saksak sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan. Hindi ko mapigilan mapangiti at tumawa matapos kong patayin ang sarili kong ina at ang kaniyang katalik na lalaki sa mismong gabi nang libing ng aking yumaong na ama. Tumayo ako at hindi na lumingon pa sa mga bangkay nila, iniwan ko ang kwarto na puno ng dugo na noon ay siyang kwarto ng aking mahal na ama.  Hawak ang patalim sa aking kamay ay naglakad ako papunta sa simenteryo saka lumuhod sa harap ng puntod ng aking ama na halos bagong tabon lamang ng lupa, walang kahit anong mga damo sa paligid ng puntod niya at nanatiling presko pa ang mga bulaklak na inalay sa kaniya kanina. Ang hindi ko lang alam ay bakit tila ang bilis ng mga pang-yayari? Kahapon lang ay kasama ko pa ang buo kong pamilya at masayang tumatawa, bakit ngayon nasa ilalim na ng lupa ang aking ama at puno nang dugo ng aking ina ang mga palad ko?  Bakit sa isang idlap na wala ang lahat nang masasayang memorya sa isip at puso ko? Paano na ako? Saan ako pupunta? Napalingon ako sa maliwanag na ilaw sa hindi kalayuan, kahit nanlalabo ang aking mata dulot ng luha ay tanaw ko ang liwanag mula sa bayan. Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko saka pinulot ang patalim na tanging bagay na mayroon ako. Saka naglakad patungo sa panibangong buhay na tatahkin ko. CHAPTER 1
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD