Chapter 43 SHE'S ALL SET! Nakatitig sa kanya si Phoenix habang busy siya sa pag-aayos sa kanyang sarili, kanina pa. Humarap siya rito at nakaramdam ng kalungkutang di niya maipaliwanag. "Sasama ka ba sa akin o dito ka?" "Babalik ka pa ba?" Tanong nito sa kanya, hindi niya alam kung malungkot ba o ano, pero may tamlay siyang nakikita sa mga mata at mukha nito. Paige sighed and sat on the bed, beside him. Pumihit ang mukha nito at nakatitig pa rin sa kanya. Nakatitig sila sa isa't isa. What made you change your mind, Pandak? Ayaw mo na agad dito sa bahay ko?" Natawa siya pero hilaw yun, "Sira." Nayakap niya ito sa braso at nginitian, "Gusto ko rito pero kailangan kong ipakilala ang sarili ko sa mga tao rito." Nangunot ang noo ni Phoenix at parang di siya maintindihan, "Anong ibig m