BH 41 CARRYING an umbrella, Paige walked towards the small stall near a sari-sari store. May mesa siyang nakikita, may nakalatag na mga karneng baboy doon at ilang uri ng gulay sa may gilid. Isinara niya ang payong na bali-bali ang tadyang. Paano kaya nagagamit yun ni Phoenix? Nakangiti siya pero bigla iyong napalis nang makita niyang nagsipaglapitan ang grupo ng mga kababaihan na may dalang bola ng volleyball. "Dito tayo tambay habang naghihintay," anang isa sa mga babae roon na nakabangayan na niya. So, this must be the reason why Phoenix never wanted her to go out. But she had to. Wala pa silang kakainin at obligasyon niyang mamalengke. Hindi niya pinansin ang mga babae, tulad ng pangako niya sa 'boyfriend' niya. "Ay nandito pala ang ineng na maganda. Kumusta si Piniks?" Tanong n