BH 34 PARANG gusto ni Nix na pumasok sa oxygen tank at magtago nang makilala ang pumasok na babae sa loob ng kwarto ng ospital. Nagkatinginan sila ni Aldo. Hindi pa pumapasok ang kaibigan niya sa trabaho dahil makikikain pa raw. Ang dami kasing pagkain at inuuwi na nga nito ang iba para sa Nanay Luningning nila. Kagabi ay naroon din iyon at nagbantay sa kanya dahil si Aldo ay humihilik pati na pwet, pero umuwi rin nang maaga, dala ang mga labahin na damit. Halos nagkadasamid ng lugaw ang kaibigan niya nang makita rin si Ading. Tang-ina! Anong ginagawa ng babaeng ito rito? Bakit pa ito pumunta roon? Humalimuyak ang pabango ng babae sa kabuuan ng kwarto. "Nix," nakangiting sabi nun sa kanya, "Tama pala ang pinuntahan kong kwarto." "Sana nga mali," mahinang sagot niya kaya pinandilatan