BH 76 NAPAPIKIT si Phoenix nang sabihin ng duktor na ligtas na ang Mama niya sa sa panganib, matapos iyon na lumabas sa Operating room. Malinis na iyon at wala ng suot na anuman na ginamit sa pag-opera. "Thank you, doctor." pasasalamat niya sa lalaki na nakangiting tumango sa kanya. Naroon na naiyak pa siya nang marinig iyon pero nakangiti siya nang harapin ang girlfriend niya, na nakaupo lang at matiyagang naghihintay sa positibong resulta ng operasyon, kahit na ilang oras na ang nakalilipas. "Did you hear that, bebe?" Masayang tanong niya kay Paige na ang laki rin ng ngiti kapagkuwan. Umalis na ang Papa niya kanina pa matapos na magtapat ng totoong damdamin hanggang sa mga sandaling iyon. His mother was his father great love. That was the reason why Thomas never married again. Inaka

