CHAPTER EIGHTEEN
GUSTO ni Eloisé na hampasin si Ethan ngunit 'di niya magawa dahil kasama pa nila si Sancho na ngayon lang niya uli nakita. Kababata nila ni Teresa si Sancho at marahil ay nalaman nito ang pagbabalik niya sa Cordova.
Hindi pa sumagi sa isipan ni Eloisé ang makipagkita sa mga kababata niya lalo't 'di pa niya gaano na-enjoy ang bakasyon. And she's receiving a little loads of work too from Manila. Mga trabaho na mahirap para sa kanya na tanggihan lalo't galing kay Xenon.
“I am Santiago Guererro. Call me Sancho for short. Kababata ko si Eloisé.” Iyon ang kalmadong pakilala ni Sancho sa sarili at tugon na rin kay Ethan.
Nagkamay ang dalawa at pumagitna na rin siya para sikuhin si Ethan. “She never mentioned you to me,” ani Ethan kaya nilakasan niya ang pagsiko rito na dahilan ng kanyang mahinang daing.
“It's getting late na. Let's meet again, Sancho. Baka next week narito na rin si Tere,” sabat na niya saka niyakap uli si Sancho at nagpaalam na dito. Inabutan niya rin ito ng calling card kung saan maaari siya nitong tawagan.
“That's great, and I'll see you later.” Nagpaalam na rin si Sancho pagkasabi noon at naiwan silang dalawa ni Ethan.
“What's your problem?” prankang tanong niya kay Ethan.
“He is the problem. I know him,” tugon ni Ethan sa kanya.
“Paano? We're childhood friends. I know him too.”
“Hindi gaya sa pagkakakilala ko sa kanya. I'm just protecting you, Eloisé.”
“I don't need any protection, Ethan.”
“Gusto ko pa rin gawin kahit ayaw mo.”
“Hindi ka talaga marunong sumuko, ano?”
“It's not part of my vocabulary.” Inirapan niya ito't iniwan na. Nauna siyang lumakad pabalik sa claw machine at sinuksok sa coin slot ang huling barya na bigay ni Ethan sa kanya. Eloisé going to try her luck again to get the teady bear inside. “Ako na ang kukuha niyan para sayo.”
“Hindi ka naman marunong maglaro nito.”
“Try me,” he said and Eloisé gave way immediately. “Kapag nakuha ko, mag-di-date tayo.”
“As friends?”
Umiling si Ethan. “More than friends.”
“Siraulo ka na talaga. You know the situation between your cousin, her husband, and me, right?”
“You didn't buy Bryce's drama, right?”
“Of course not! Na-block ko na nga. Ikaw lang iyong basta nag walk out diyan at hindi ako hinayaan mag-explain. I didn't mean what I said. Alam ko na may mali sa desisyon ko pero hindi para gamitin at sumira ng relasyon.”
Nakita ni Eloisé na humalukipkip sa kanyang harapan si Ethan bago ito nagsalita.
“Then, we don't have a problem.”
“No, that's the problem, Ethan.”
“Hindi iyon problema, Eloisé.”
“Ethan. . .”
Kapwa sila tumahimik dalawa at dinama ang hanging malakas na umihip na siyang sumayaw sa hibla ng buhok niya. Naisip ni Eloisé na para pala silang walang pakialam sa kanilang paligid.
They're in front of the store where the claw machine is sitting right in front of them. No one's watching yet Eloisé felt unseen stares around. Baka ayaw lang na istorbohin sila o puwedeng tila pelikula ang tingin sa ginagawa nila ni Ethan.
“Let's try,” Ethan finally said, breaking the silence.
“And if it didn't work out?”
“Saka na natin isipin iyan. Ang importante ay subukan nating dalawa.” Lumapit sa kanya si Ethan at hinawakan ang kanyang kamay. “You only have to say yes.”
Lumunok siya bago nagsalita. “I don't know. Let's call it a night. . .”
KINABUKASAN, naging tipikal lang umaga ni Eloisé. She went out to jog a kilometer, grabbed her coffee and bread, and got prepared for the meeting her family organized with the mall developers.
Malalim siyang huminga matapos maisip na makikita na naman siya si Ethan ngayong araw. Pero hindi bilang makulit niyang manliligaw kung 'di bilang arkitekto na kinuha ng kanyang ama. Makakasama ni Ethan ang mga engineers at mga sub-contractors sa naturang meeting. Ethan will present the final designs and from there, they'll decide to push through the project.
“Are you ready, dear?” tanong na pumukaw sa kanya.
Sa kanyang paglingon ay pumukaw sa kanya ang maamong mukha ng kanyang ina. That same warm smile she've shown her is always the same and bit remarkable. Nasa Cebu ang mga ito para sa meeting na magaganap ngayon kasama ng mga kapatid niya't ama.
“Almost,” she answered and heaved another sigh.
“Para saan ang buntong-hininga na iyan?” Muli siyang tumingin sa kanyang ina. Umiling siya ngunit hindi nito tinanggap iyon. Wala talaga nakakaligtas sa kanyang ina kaya rin 'di niya magawang maglihim dito. “Kung may gusto ka sabihin sa akin, sabihin mo na. Alam mo naman na makikinig ako sayo, hindi ba?”
Ngumiti si Eloisé.
Eloise's relationship with her mother is as good as her relationship with her step-father. Hindi naman nagbago iyon kahit pa tumanda siya't naging independent na sa buhay.
“It's nothing, 'Ma. A work related,” she answered.
Hindi niya magawang ipagtapat na problema sa puso ang kanyang kinahaharap ngayon. Kung bakit naman kasi binigyan siya ni Ethan ng iniisip ngayon. Imbis tuloy na iyong proyekto lamang ang kanyang problema at trabahong naiwan sa Manila, pati puso niya'y parte na rin ng mga iniisip ngayon.
“Okay, but if you need someone to talk to, I am here, hmm?”
“I know that. Pareho po kayo ni Dad ng sinabi.”
“We kinda missed our kiss and tell Eloisé. Ngayon masikreto ka na masyado.”
“Ako pa rin si kiss and tell Eloisé, Mama,” giit niya.
“If you say so. Pero mas kiss and tell na ang dalawa mong kapatid ngayon.” Eloisé groaned, making her mother chuckled softly. Natitiyak niya na may na-kwento ang dalawa na galing kay Dean na nakuha naman ng kanyang pinsan kay Teresa. “Is Teresa coming home? I met Sancho the other day. He's asking about you.”
So, nauna pala ma-meet ni Mama si Sancho. Tiyak na 'di nasabi ni Sancho kay Mama ang pagpapakilala ni Ethan bilang boyfriend ko, mahabang sabi sa kanyang isipan.
“Nagkita rin po kami and we had a small talk.”
“I invited him sa dinner later. Kaya kung uuwi si Teresa, have her joined us later, okay? Isama mo rin si Dean.” Iyon lang at iniwan na siya ng kanyang ina matapos itong tawagin ng kanyang ama mula sa ibaba.
Kasama nila mamaya si Sancho. Lagot na! Paano niya ngayon sasabihin kay Ethan na kailangan nito na samahan siya mamaya? She's doomed and in need of saving and a plan!