CHAPTER SIXTEEN
“BAKIT pumayag ka na sa sumama sa amin? Alam mo ba na mahirap kasama si Dad sa ganitong lakad?” Iyon ang sunod-sunod na tanong ni Eloise kay Ethan nang masolo niya ang binata. Nasa parking na sila at hinihintay lamang ang tatay niya na matapos ang pakikipag-usap nito sa kung sinong kliyente sa cell phone.
“It's fine, Eloise. Sinabi ko naman na libre ako ngayong umaga.” Nginitian siya ni Ethan pero irap lamang ang tinugon niya sa boy-next-door nitong ngiti. “Huwag ka na sumimangot diyan. Nawawala ang ilong mo kapag nakasimangot ka.”
Pinisil ni Ethan ang tungki ng kanyang ilong na agad naman niyang pinalis. Aambahan niya ito ng suntok sana ngunit nakita niyang pabalik na ang kanyang ama.
“Good luck na makatakas ka pa sa kanya,” aniya sa binata saka sinuntok ang braso nito.
“Aray!” reklamo nito pero muli niya inambahan para manahimik na at hindi marinig ng kanyang ama. “You're lucky that I like you, Eloisè.”
She continuously mocked at Ethan even inside the service vehicle of her father. Hindi niya pinansin ang sinabi nito na pahanging lamang. Alam niya kasing malinaw na kay Ethan na hindi sila puwede. Yet she agreed to let everything around them take the lead. Wala siya pakialam kung napapansin ba iyon ng kasama nila. To her father's driver and assistant, she's always friendly and playful. Noon hanggang ngayon ay gano'n pa rin si Eloisè.
“In what island are we going?” tanong ni Eloisè nang makapasok sa loob ng sasakyan ang kanyang ama. “May nabili ka na naman po bang isla?”
“It's the island where I took you and your mom before. I'm planning to build a restaurant there to preserve the memory.”
For Eloisè, her father is the most romantic guy she ever met. Hanggang sa mga oras na ito'y nangangarap pa rin siya na makakilala ng gaya ng kanyang step-father.
“That's nice,” she said. “Kaya mo ba sinama si Architect?”
Tumingin siya sa gawi ni Ethan na tahimik lang na nakikinig sa kanilang mag-ama.
“That's number one. But, there's more I wanted to tackle with him.”
“Without me?”
“You're on a vacation mode and we will talk about work. Mag-enjoy ka na lang sa isla na pupuntahan natin habang nag-uusap kami ni Architect.”
Hindi magawang mapalagay ni Eloisè matapos marinig iyon. Pakiramdam niya'y may pag-uusapan ang dalawa na may kinalaman sa kanya. Gayumpaman, wala na siya nagawa kung 'di sumang-ayon sa gusto ng kanyang ama. Alam niyang pagtapos ng trabaho nito'y sila namang mag-ama ang magba-bonding na lagi namang nangyayari.
That's the perks of being the only princess inside Atty's household.
Nabaling ang tingin niya sa kanyang cell phone na sunod-sunod na tumunog. Eloisé wasn't expecting any text message on her personal phone number. Dahil curious ay binukas niya iyon at binasa ang mensaheng pumasok. And it was another unexpected things that's making her stomach flip.
Why?
It's because the message was from Bryce, and she has to admit to seeing that film before. . .
ETHAN offered drinks to Eloisé when he saw her sitting all alone by the bay. Tinabihan niya ito at pinagmasdan din ang araw na papalubog na.
“Ethan, may problema ba ang pinsan mo at si Bryce?” tanong ni Eloisé sa kanya. It was a shocking question especially he has no news about his newlywed cousin. Ang huli ay noong binalita ni Uno sa kanya umuwi sa mga ito si Jeanine. Nakalimutan na niya na magtanong dahil nasakop na ni Eloisé ang kanyang mundo.
“Hindi naman ako nangingialam sa kanila.” Simple niyang tugon sa dalaga. “Why did you ask?”
Hindi kumibo si Eloisé bagkus ay pinakita lang nito sa kanya ang mensahe ni Bryce. Binasa niya iyon at habang ginagawa iyon ay 'di niya maiwasang makuyom ang kamao. How dare that man played with his dear cousin's heart? Idadamay pa nito si Eloisé na nanahimik dito sa Cebu kasama niya.
“I blocked his number. Pati sa mga socials ko, naka-block na rin siya.”
“You did the right thing, Eloisé,” puri niya sa dalaga.
“Tama nga ba talaga ang ginawa ko? For the second time around, I'm choosing nothing instead of Bryce?”
Hindi makapaniwala si Ethan sa kanyang naririnig. Tama ba na narinig niya iyon kay Eloisé? Iniisip ba nito na patulan ang sinabi ni Bryce na pagtaksilan ang pinsan niya?
“Do you think you deserve to be that brute's mistress? Prinsesa ka kung ituring ng tatay at mga kapatid mo tapos baba ka sa gano'ng level? Alam mo ba ang tanga mo?”
Hindi na nagpigil pa si Ethan at talagang sinabi na kung ano ang gusto niyang sabihin sa dalaga. Totoo naman na tanga ito kung papatulan ang mensahe ni Bryce. Kating-kati na siya na suntukin ito upang iganti si Jeanine.
“I'm willing to be your friend, Eloisé, but it doesn't mean I would condone that kind of thinking. Nasa 'yo pa rin ang huling desisyon. But don't ever think that I will talked to you nor be nice to you again. Once you crossed that line, I'm over you.”
Tinalikuran niya ang dalaga at basta na lang iniwan sa may dalampasigan. Hindi niya maatim tanggapin ang katotohanan na balak nito patulan ang mensahe na iyon ni Bryce. Bakit pa nito sinabi sa kanya ang bagay na iyon? Akala ba nito ay papanig siya sa mali? To think that it was his cousin would suffer in her wrong decision.
Isang dahilan kaya tinawagan niya si Uno upang tanungin kung ano na ba ang nangyayari kay Jeanine. When his cousin said it's not going the way it used to be, Ethan immediately booked a flight back to Manila. Jeanine needs him and he prioritized his family over matter of the heart.
Nang makarating siya sa Manila, sa bahay ng tiyahin niya dumiretso mula airport. Ipinakansela niya ang mga meeting sana ngayon para lang madaluhan ang kanyang pinsan.
“What's the plan now?” tanong niya kay Uno.
“She's talking to a lawyer na. Mukhang matutuluyan na maghiwalay sila na hindi ko inasahan.” Nakita ni Ethan na umiling-iling si Uno. “The woman involved was the one you're pursuing. Are you aware that they're in contact?”
“I don't know how long they've been talking, but I've been with her in the past weeks. Na-block na rin niya si Bryce.”
“Did you see it yourself?” tanong na nagpalingon sa kanila ni Uno. “She's a snake and playing with your heart, Ethan. Siya pa rin ang gusto mo kahit na sinira niya kaming mag-asawa?”
“It's your husband we should blame, not her,” Mariin niyang salita.
“Bakit ang biased mo, Ethan? Hindi mo ba nakikita na nasaktan ang kapatid ko?”
Hindi siya ang kalaban ng dalawa. Gusto lang niya ipaintindi na hindi gano'n ang pagkakakilala ni Ethan kay Eloisé. Hindi naman nito sasabihin sa kanya na may mensahe si Bryce kung may balak ito patulan iyon. Hindi lang niya nagustuhan ang tanong nito kaya may nasabi siyang hindi maganda na buong biyahe niya pa-Maynila ay iniisip niya.
“I am not biased. Cheating is a choice and that man is a master of it. He's the enemy here, not me nor Eloisé.” Malalim siyang huminga bago uli nagsalita. “Let's start planning what to do when our heads are clear.”
Tumalikod siya't iniwan ang kanyang mga pinsan. Maulap ang utak niya gaya nila kaya maaari na may masabi siyang 'di maganda gaya kanina. Ngayon ay nagsisi na siya.
Mariin siyang pumikit saka muling huminga ng malalim.