CHAPTER TWENTY "PUMASOK ka na sa loob,” utos ni Ethan sa kanya saka inabot ang teddy bear na napalanunan nito sa claw machine kanina. “I'll meet your parents when everything is right for us.” Hindi nakasagot agad si Eloisé at nanatili lamang siyang nakatingin sa binata. Kaya naman ito na ang pumibit sa kanya paharap sa gate ng bahay ng mga magulang niya. “I'll see you tomorrow at work. Sabi mo kanina sa meeting na gusto mo makita ang ginagawa ng mga tao, 'di ba?” Naalala niya ngang nasabi iyon kanina pero hindi para manduhan sila Ethan sa gagawin. Gusto lang talaga niya makita ang proseso mula sa pag-u-umpisa ng konstruksyon ng kanilang mall. Eloisé wanted to be hands on since she handed her resignation a while ago. Wala pang nakaka-alam miski na sino sa kanyang pamilya. Ang alam lang ng