Chapter 30
Malakas na bumukas ang pinto ng silid na inuukupa ni Marzena. Galit na pumasok roon si Mazu, nakakunot ang noo, nakatiim bagang at nakakuyom ang mga kamao nito. Malalaki ang hakba nito palapit sa kama na hinihigaan niya.
"Llyr came with Ericka for a few minutes, Marzena and I need to talk privately." Mazu command with authority.
Hindi niya napansin na nasa tapat din pala ng pintuan si Ericka na tahimik na nakatayo roon at napanood sila.
Marzena kissed Llyr's forehead. "Go with Ericka." Aniya habang pinupunasan ang mga tuyong luha sa pisngi nito.
Tahimik na sumunod si Llyr, bago ito tuluyang lumabas ay lumingon muna ito sa kanya saka kumaway sa kanya.
Nang mawala na ang mga ito ay naupo si Mazu sa bakanteng upuan na nasa tabi ng kama niya. Nakakunot pa rin ang noo nito animo nagagalit ngunit pinipigilan lamang nito ang sarili na sumabog.
"Nung una pa lang binalaan na kita na layuan si--"
Kahit nakakabastos man na putulin niya ang sinasabi nito sa kaniya ay ginawa niya. "Stop." Alam na ni Marzena kung ano ang gustong iparating sa kaniya ni Mazu at ayaw niya iyon marinig pa kahit ang pangalan lang ng lalaki. Ayaw na nya ibalik ang alaala kung paano siya nagpakatanga at nagpagamit dito.
Mazu blows a deep breath. "I'm sorry." Paghingi nito nang tawad at agad na iniba ang usapan. "May I know who did these to you? Please tell me Marzena... para alam ko kung paano kita matutulungan na pagbayarin ang may gawa nito sa'yo."
She shook her head, slowly. "No. Kahit sabihin ko sa iyo ay hindi mo ako matutulungan dahil alam ko na hindi mo sila kakalabanin para lang sa akin." She said, flatly. Everything she said was true. Mazu can't help her because of those people on the higher wards.
Mukhang hindi nito inaasahan ang sinabi niya dahil mukhang nagulat ito at nakatulala lang na nakatingin sa kanya. "W-what?"
She took a deep breath. "Hindi mo gugustuhin na ipagtanggol ako kung maaari mo ikapahamak iyon."
Naguguluhan ito na pinagmamasdan siya. Pero ayaw ni Marzena sabihin dito ng diretso dahil alam niya na maaaring ikabagsak ni Mazu pagtatanggol nito sa kanya. At alam na rin niya na walang maniniwala at makikinig sa kanya, una sa lahat ay pagbibintangan lang siya na gumagawa lang siya ng kwento at sinisiraan lang niya ang gumawa niyon sa kanya, pangalawa hindi siya pinakinggan nang Council dahil matataas ang pinanggalingan na Ward nina Annaleigh, pangatlo hindi naman kami pinagtutuunan ng pansin ng Council dahil nasa pinakamababa na Ward ang pinanggalingan niya. She knows ang unfair tingnan pero iyon ang totoo. Ni minsan ay hindi pantay ang pagtingin ng Council sa buong nasasakupan na Ward ng Mordecai.
"I... I don't understand. Pero Marzena, maniwala ka sa akin kaya kita ipagtanggol sa Council kung iyon ang kinakatakutan mo. Kaya din kita, kayo, ipagtanggol at ipaglaban gaya ng ginawa ko kay Ericka." Hinawakan nito ang kamay niya at marahan na pinisil iyon.
She already decided and her answer is still no. Nothing can change her mind.
Tumitig siya kay Mazu. "Paano kung sabihin ko sa'yo na ang tatlo sa pinakamataas na ward ang may gawa sa akin nito?"
Hindi makapaniwala na tinitigan siya nito. "Ginawa nila iyon? Who are they? Tell me, Marzena. Para malaman ko kung ano ang gagawin kong aksyon para maipagtanggol kita. I won't let them hurt you or anyone on my team."
Marzena laughed. "Mazu, hindi mo kailangan na ipagtanggol ako. The end."
Ayoko na may madamay at mapahamak pa dahil sa kanya lalo na kung si Mazu iyon. Marami na itong ginawa para sa kanila at sapat na iyon. Hindi na niya ipapahamak ang posisyon nito sa Council dahil lang sa ginawa sa kanya nina Annaleigh. Mas maraming nangangailangan ng tulong nito kaysa sa kanya.
"Kung iyan ang gusto mo ay hindi na kita pipilitin pa na sabihin sa akin kung sino ay may gawa niyan sa iyo. Pero gusto ko lang sabihin sayo... handa ako Marzena na ipagtanggol ka sa Council kahit na ikapapahamak ko pa dahil responsibilidad ko na ipagtanggol ko ang taga-Ellesmere." Mazu says.
"At iyon ang ayaw ko na gawin mo para sa akin. Hindi ko kaya na matanggal ka sa posisyon mo na matagal mo na iniingatan. Maraming umaasa sayo sa Ellesmere, mga tao na humahanga sa galing ng pamumuno mo kaya, please.. huwag mo ipahamak ang sarili mo para sa akin. Kaya ko ang sarili ko, Mazu. Kaya ko ito." Aniya at saka binigyan ito ng isang totoong ngiti.
Naluluha na nakatingin at tahimik na nakikinig sa kaniya ang kausap. Ang kaninang nakakunot na noo nito ay nasa ayos na hindi na rin ito galit. Pero ipinagdarasal niya na sana ay hindi na alamin nito ang dahilan at may gawa nito sa kanya dahil ayaw na niya ito maungkat pa.
"Marzena..." Pangalan lamang niya ang nabanggit nito. Tumayo ito at lumapit sa kaniya at pagkatapos ay tinapik siya nito sa balikat. "Maraming salamat... Pero hindi na magbabago ang isip ko. Kapag na maulit ulit ang nangyari sayo ngayon patawad pero handa ko na kalabanin ang Council para lang pagbayarin ang nanakit sayo. Hindi ko hahayaan na tapakan nila ikaw o kahit na sino pa na taga Ellesmere."
Napabuntong hininga siya sa sinabi nito. Mukha nga na hindi na niya mababago pa ang isip nito kaya naman para naman makalimutan na nito ang may gawa niyon sa kaniya ay iniba na lamang niya ang usapan. "Kailangan ako pwede lumabas sa silid na ito? Kailangan pa namin magsanay hindi ba?"
"Yes. Two days from now ay maaari ka nang lumabas pero hindi ka pa maaaring mag sanay dahil kailangan muna maghilom ng mga sugat mo. Kailangan mo din muna na ibalik ang lakas mo bago ka ulit sumabak sa training." Someone says.
Nang tingnan niya kung sino ang nagsalita ay para ba na gusto na niyang umalis sa hinihigaan niya para lapitan ito at bigyan ng mahigpit na yakap.
"Dane!" Masiglang tawag niya sa babae. Namiss niya ito kahit na ilang araw lang ito nawala.
Natawa naman ito dahil sa inasal niya. Malaki ang ngiti na lumapit ito sa kanya pero nagtaka siya ng lagpasan lang nito si Mazu na nasa gilid ng higaan niya at mas nakakagulat pa roon ay binangga nito ang balikat ng babae.
"Hindi mo naman ako na miss masyado sa lagay na iyan," Dane said, happily.
Isinawalang bahala na lamang niya ang nakita dahil baka hindi iyon sinasadya ni Dane. Malabo din naman na hindi nito igalang si Mazu dahil gaya niya ay mataas ang tingin ni Dane dito. At kung sinadya man iyon ni Dane ay baka may hindi pagkakaunawaan lang ang mga ito. Siguro nga.
"Na miss kaya kita. Pero bakit ang bilis niyo naman yata bumalik." Sagot niya dito.
Kumunot ang noo nito animo may mali siyang sinabi. "Mabilis?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
Marahan na tumango siya habang sinasagot ang tanong nito. "Oo. Kahapon nga lang kayo umalis tapos agad kayo bumalik." Aniya.
Pero umiling ito sa kanya sa hindi niya malaman na dahilan. "Marzena... mali ka nang iniisip. Apat na araw kami nawala ni Seam at hindi kahapon."
"What?!" Naguguluhan na tumingin siya kay Mazu. Kung ganon ay apat na araw rin siya walang malay.
"Apat na araw ka walang malay, Marzena. Ang sabi ng mga manggamot ay masyado ka napuruhan kaya ganon na lamang ang tagal bago ka nagising."
Fuck! No! Paano na lamang ang pag-eensayo niya. Kailangan na niya lumabas ngayon din para umpisahan na niya ang pagsasanay na dapat ay ginagawa na niya ilang araw ang nakalipas.
Kahit nahihirapan ay pinilit niya ang sarili na bumaba sa kama na hinihigaan niya. Bawat galaw niya ay mahinang napadaing siya. Rinig niya ang mga mura na lumalabas sa bibig ni Dane habang si Mazu naman ay bigla na lang din nataranta dahil sa inasal niya bigla.
Hindi pa man din siya tuluyang nakakababa ng may pumigil agad sa kanya. "What the hell, Marzena! Hindi ka pa magaling!"
Pero umiling siya. "No Dane kailangan ko na malakabas ngayon din. Please..."
Dane shook his head. "Papayagan ka namin umalis sa dalawang kundisyon."
Yes! Buti na lamang at napapayag niya ito kahit na may mga kondisyon ito.
Ngumiti naman siya dito habang tumatango. "Anong klase ng kondisyon?" tanong niya.
"Una ay kailangan mo muna magpahinga kahit isang araw lang at pagkatapos non ay hahayaan na kita na lumabas at gawin ang gusto mo at pangalawa ay mangako ka na hindi mo pababayaan ang sarili mo kahit na anong mangyari." Ani sa kaniya ni Dane na agad naman niyang sinang ayunan.
Madali ang ang mga kundisyon, kailangan muna niya maghintay ng isang araw para umpisahan na niya ang pagsasanay niya kahit na gustong gusto na niya lumabas sa silid. Ilang linggo na lamang ang mayroon siya para magtraining ng mabuti at sa mga linggo na iyon ay hindi na niya iyon sasayangin pa.
Mabilis siyang sumagot. "Deal."
Nailing na lang sa kanya si Dane. Nang tingnan niya si Mazu sa kinatatayuan nito kanina ay wala na ito. Nandito lang ito kanina nakatayo sa likod ni Dane pero kahit anino nito ay hindi niya nakita sa loob ng silid.
She immediately asked Dane. "Nasaan si Mazu?"
Nagkibit balikat lang ito sa kaniya at saka umupo sa silya. Pero nakita ko ang dumaan na emosyon sa mukha nito ng binanggit ko ang pangalan ni Mazu, hindi ko lang maintindihan kung anong emosyon iyon. Lalo na at mahirap basahin si Dane.
"Huwag ka masyado magtiwala kay Mazu." Tipid na sabi nito na bigla niya ng ipinag taka.
"Huh?" Naguguluhan anas niya sa babae.
Wala siyang maisip na dahilan para sabihin iyon ni Dane kay Mazu. Matagal nang magkasama ang dalawa kaya bakit ganon na lamang siya balaan nito. Halata na may malaking dahilan sa likod ng mga sinabi nito na ayaw lang nito sabihin sa kanya ng diretso.
"Mag ingat ka sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Hindi mo alam kung sino talaga ang tunay at peke sa paligid mo. Kaya huwag na huwag mo agad ibigay ng ganun kadali ang tiwala mo dahil maaari mo iyon ikasira at ikabagsak."
Seryoso ang mukha nito habang sinasabi sa kaniya ang mga iyon. Sa mga binitawan na salita nito ay isa lang ang pumasok sa isip niya na gusto ipahiwatig ni Dane, may hindi tama na nangyayari. At sigurado din siya na may alam ito. Sobrang bigat ng tensyon sa kanila kaya naman para mabawasan iyon ay biniro niya ito.
"Kahit na ikaw? Siguro may gusto ka sa akin kaya ganiyan mo na lang ako balaan." She joked.
Ang pagkaseryoso nito ay napalitan ng ngiti kalaunan ay natawa ito. "Oo kahit ako. And excuse me hindi kita gusto. Yuck!" Anito. Natawa siya sa huling sinabi nito dahil para itong diring diri sa mga sinabi niya. "But Marzena, seryoso ako sa mga sinabi ko. Kahit ang mga tao na naging mabuti sa iyo ay maaaring maging traydor. A traitor is always a traitor even if she looks like an angel."
A traitor is always a traitor even if she looks like an angel. Anong ibig sabihin nito? May alam ba ito na hindi niya alam at ayaw nitong sabihin sa kanya? Naguguluhan siya.