"Kasal," muling ulit sa sinabi ng lalaki. Matutuwa sana siya dahil iyon naman ang plano nila pero iba na ang sitwasyon nila. Ang kakambal niya ang mahal nito at hindi siya. Mas lalo tuloy naguluhan nang maalala ang kakambal, masakit pakasalan ang lalaking ama ng anak pero ang puso ay nasa kaniyang kakambal. "Oo, kasal. Alam kong nahihirapan ka pang magpasya. I'm giving you a week to decide. Kapag wala pa hanggang next week then you know what happen next," aniya saka iniwan ang babae. Nanginginig pa ang tuhod niya habang tumatayo sa kaniyang pagkakaluhod. Wala na roon si Terrence pero nakatulala pa rin siya sa pintuhan ng silid nito kung saan ito pumasok. Matapos maisara ni Terrence ang pinto ay halos masuntok ang sarili. How could he do that. Wala n