AERIN "Tell me, Aerin, what is your motive?" okay, I'm screwed. Eto na yung part na malalaman ng lahat ng tao yung ginawa kong 'to. Lahat ng mga kasinungalingan ko. At eto na rin yung part na isusumpa ako ni Olivia at hindi ko alam kung bakit habang naiisip ko yon, may kung anong kirot sa puso akong naramdaman. Ayoko na sanang sumagot at gusto ko na lang hintayin na ipahuli nya ako sa mga PSGs or body guards nila na nandito pero nakita kong iba yung pagkakatingin nya sa akin ngayon. Gusto nya talagang malaman kung bakit ko ginawa lahat ng mga nagawa ko. So para matapos na lahat 'to, huminga muna ako ng malalim bago ikinuwento sa kanya lahat-lahat. Walang labis, walang kulang. Ayoko na rin kasing madagdagan pa yung kasinungalingan ko. Alam kong hindi ko na mababago lahat pero at least,