AERIN "Oh my God!" narinig kong sabi ni Sofia kaya bigla akong napatingin sa palad ko at sa pisngi ni Olivia. Pagtingin ko sa babaeng kaharap ko, pinaghalong, hurt, shock, and longing yung nakikita kong emosyon sa mga mata nya. So totoo nga, totoo yung mga nangyari ngayon-ngayon lang? Olivia kissed me. She kissed me after nyang makipagdate sa pangit na lalaki and I slapped her. I slapped her sa harap ng mga kapatid nya. Sa harap ni Nicolo. Ano na lang yung sasabihin sa akin ng alaga ko? At bago pa may makapagreact sa kanila, nagmamadali akong tumakbo papasok sa kwarto ko. Napaupo ako sa may sahig habang nakahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas-lakas kasi ng kabog hanggang ngayon. Nanginginig pa rin at nanlalambot yung mga tuhod ko hanggang ngayon. Ano ba naman kasi yang si Olivia, pabig