AERIN "I'm sorry. I panicked. Sa dinami-dami naman kasi ng pwede kong makita ulit, si Alyana Lopez pa talaga. And why didn't you tell me that she's gonna be there? Ni hindi man lang ako nakapag-ayos. What if ang pangit ng itsura ko don? What if isipin nya na ang haggard ko dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakamove-on sa nangyari sa aming dalawa?" sympathetic na tumingin naman ako kay Sofia. Nakakaloka naman kasi talaga yung nangyari sa kanya kagabi eh. Halatang apektado pa rin sya dahil ginamit pa talaga ako ng bruha para pagselosin yung ex nya. Magkasabay kasi kaming nagpunta sa bridal shower nila Maybelle and Clar last night. Pero syempre, kailangan naming magpanggap na hindi kami magkakilala. Ibinaba nya ako dun sa isang kanto bago yung bahay namin. Pero bago yon, muntik pa k