OLIVIA "Liv, wala na bang mas ibabagal yung takbo ng kotse mo?" Playful na tanong ni Sofia na nakataas pa ang mga paa sa dashboard ng sasakyan ko. Nakalagay sa likod ng ulo niya ang mga kamay at relax na relax habang nasa biyahe. "I told you kasi we could use the helicopter pero mas gusto mong pagurin ako. Magtiis ka," inis na sagot ko sa kanya. I mean, I didn't want to agree in the first place but I was caught off-guard kaya nang sabihin ni Sofia na pupunta kami ng Tagaytay ay wala sa loob na napatango na lang ako. Hanggang nang mga oras na 'yon kasi ay iniisip ko pa ang sinabi ni Sofia tungkol sa ex-girlfriend niya. Ex-girlfriend! Kailan pa na involve si Sofia sa babae? Don't get me wrong, I was serious when I said hindi ako homophobic, nabigla lang talaga ako nang sabihin niya 'yon l