Sumakay ng sasakyan si Alek and he started the engine pero hindi muna siya nagmaneho at dahil natigilan siya after nila mag-usap ni Chard. "Mag-isip kang mabuti. Na sa iyo na kung sasabihin mo pa rin sa kaniya ang buong katotohanan o ililihim mo sa kaniya hanggang sa makaalis tayo dito pagkatapos ng graduation mo at para makita mo pa kahit sa huling sandali ang kapatid mo bago siya tuluyan na mamahinga. Your choice," dagdag niya na may pagbabanta at naglakad na palabas ng classroom na iniwan si Chard sa gitna. "Ako ata ang hindi nag-iisip ng mabuti. Bakit sinabi ko iyon? Eh, alam ko naman sa sarili ko na tunay ang nararamdaman ko for Lorainne? Well to think about it, sinabi ko lang naman iyon para tantanan na ako ni Richard. Pero inaamin ko humihingi ako ng pera at her to give it to my w