"Hello? Sino 'to? Nasaan ang asawa ko?" pag-uusisa ni Princess nang boses ng babae ang sumagot sa phone ng asawa niya. Nagkasalubong kaagad ang dalawang kilay niya. Napabukas naman ng mata si Rachel sa narinig niyang boses na parang bigla siyang natauhan at nagising dahil kilalang-kilala niya kung kaninong boses iyon. Hindi siya nakapag-isip kaagad kung anong sasabihin niya kaya naman ibinaba niya ang tawag na ipinagtaka naman ni Princess. At dahil hindi inaasahan ni Princess ang narinig niya ay tinawagan niya ulit ang phone ng asawa niya, samantala si Rachel ay pinatay ang phone at bumalik sa pagkahiga niya na walang paki sa babaeng tumuturing na kaibigan sa kaniya. "Cannot be reached?" sambit ni Princess na tinignan ang phone niya to see na nag-call ended mismo ang tawag. "Ano 'yun?" t