Kami lang ngayon ni Anthea ang magkasabay pano ba naman nagkaroon ng kanya kanyang lakad yung tatlo, dumaan muna kami sa palengke para naman bumi ng pang-dinner naming for sure kasi gabing gabi na uuwi ang mga yun kaya mas mabuting kami na lang ang magluto. Habang naglilibot libot kami sa super market eh nahagip naman ng paningin ko ang isang babae “Di ba si Sophia yun ?” tanong ni Anthea, akala ko pa naman ako lang ang nakakita. Talaga palang nagdate tong dalawang to. “Anong lugar yung pinasok nila ?” tanong ulit ni Anthea, di kasi nakikita yung sign ng pinasukan nila Sophia sa loob ng super market “Chocolate world, yan yung pinaka malaking factory ng chocolate dito sa japan” sabi ko at nag nod naman sya. “Bili din tayo dun” sabi nya at umoo naman ako. Nung matapos na kami mamili eh dumeretso naman kami sa Chocolate world at ayun nga bumili sya ng iilang chocolates tapos nun naglakad na kami pauwi. Di uso dito ang tricycle kaya lakad lang talaga kami and besides di naming dala ang bike naming gabi na siguro kami makakauwi.
“Aly” tawag nya sakin at tumingin naman ako sa kanya. “Bakit ?” tanong ko at ibinulsa ang cellphone nya saka tumingin sa daan “Bakit sinabi mo kanina wala kang boyfriend ? Di ba meron ?” tanong nya at tumingin na lang din ako sa daan “Ayoko lang naman kasi na pag usapan ang buhay ko, masaya na ako sa ganito ayokong usisain ang buhay pag ibig ko saka wala namang may paki dun eh”sabi ko at nanahimik naman sya, di sya nagsalita ng five minutes hanggang sa “Porket ba naisip mong walang may paki eh wala na talaga ? Hindi naman nila itatanong yun kung wala silang paki di ba ? And besides friends mo na din naman sila” friends ? Sa pagkakatanda ko sila lang ang friends ko, yeah sila lang. Friendly ako dati pero dati yun dahil iba na ngayon. Simula nung nangyari yun ayoko nang basta basta makipagkaibigan and now bukod kay Zelle meron akong bagong pinagkakatiwalaan sana di sila gaya ni Jessa. “Friend ? Iilan lang kayong friend ko” sabi ko at napahinto naman sya sa paglalakad.
“Kami ?” tanong nya at nag nod naman ako “Kasali pala kami ? Magiging honest na ako sayo Aly, sa totoo lang hirap akong pagkatiwalaan kayo. Oo ngat tinanggap ko kayo pero kasi iba pa rin ang pagtiwala. Nahihirapan na ako magtiwala eh ilang beses na kasing nasira yun, kung tatanungin nyo ko ngayon wala naman akong balak maattach sa inyo eh pero di ko alam unti unti ko na pala kayong gustong makilala pa lalo” sabi nya at umupo sa may bench malapit samin kaya naman naglakad din ako papunta dun at umupo, di ko naman alam kwento ng buhay nya kaya pano ko sya mahuhusgahan =___= di ko naman ugali ang manghusga lalo na pag wala ako sa lugar. “Mapagkakatiwalaan naman kita di ba ? Mapagkakatiwalaan ko naman kayo di ba ? Di naman ata kayo gaya ng iniisip ko” napayuko na lang sya at ako naman diretso lang ang tingin.
“Yung mom ko at ang dad ko may kabit, that was the most ridiculous part of my life. The most embarrassing part of my family. Pinapakilala nila yung kabit nila as secretary nila but the fact is kabit pala nila. At first napaniwala nila ako but when the time goes by I realize that something’s wrong, laging nasa bahay yung dalawa and one time gabi na ako umuwi dahil sa party sa school akala nila di ako uuwi at sa barkada ko ako matutulog but their wrong. Nung nakapasok ako sa bahay nadaanan ko ang kwarto ni mommy medyo bukas kaya napasilip ako at sinisi ko ang sarili ko na sana pala di na lang ako sumilip dun. I saw her making love with her oh so called secretary. Di ko na isla inistorbo pa and then nung makalagpas ako at nasa sala na ako nagulantang din ako sa nakita ko, nakikipag s*x din si daddy sa sexitary nya.” Di ko alam kung anong pumasok sa babaeng to at nagoopen sya sakin ngayon “Alam mo yung feeling na gusto mong sumabog sa galit ? yun ang nafefeel ko sa kanila ngayon. Pinilit kong intindihin lahat sa kanila hanggang sa nalaman kong buntis si mommy at yung sexitary ni daddy dun na ako nagsalita. Di nila alam na alam ko na ang nangyayari lahat lahat hanggang sa pinaliwanag nila sakin pero wala eh sarado isip ko para makinig sa kanila, simula nun nagrebelde na ako di ko ginagawa ang gusto nila at lahat ng ayaw nila ginagawa ko di nila ako nirerespeto lagi nila akong pinagsasabihan hanggang sa makilala ko yung Black disciples. Sila ang nagbigay sakin ng totoong pamilya kahit na mahihilig sila sa away, binigyan nila ako ng matinong pangalan at matibay na loob.”
Nakita kong may pumatak na kung ano sa lupa akala ko naman umaambon yun pala hindi, inangat ni Anthea ang ulo nya at nakita kong umiiyak sya “Simula nun itinatak ko sa isip ko na ang mga tao gaya nila. Mga walang respeto sa sarili, mga di marunong lumugar. Pero hindi ko nilahat dahil nanjan pa rin ang mga kagang ko.” Sabi nya at pinunasan ang luha nya “Tama na ang drama tara na umuwi na tayo”sabi nya at nauna nang maglakad sinundan ko naman sya “Mamaya may ikukwento din ako sayo” sabi ko at tumingin say sakin “Hindi kami gaya ng iniisip mo, igaya mo kami sa mga ka-gang mo. Alam ko namang di pa tapos ang kwento mo eh at alam ko ring di mo na kayang ituloy kaya saka mo na lang yan ituloy okay ?” sabi ko at ngumiti naman sya “Marunong ka naman palang ngumiti eh” sabi ko sa kanya at binigyan naman nya ako ng poker face “Anong akala mo sakin robot ?” sabi nya at nagpatuloy sa paglalakad.
“Oo? Simula kasi nung tumira ka sa bahay di ata kita nakitang ngumiti”sabi ko at nagpoker face lang naman sya “Yan ganyang mukha lagi kong nakikita” dagdag ko pa “Para namang ikaw nangiti din eh noh ? limited edition lang kasi ang ngiti ko kaya iilan lang ang nakakakita” sabi nya at napapoker face din ako, oo nga pala di din pala ako nangiti kagaya nya kung makapagsalita naman ako tss =___= Tahimik lang kaming naglalakad at walang may gustong umimik hanggang sa nabasag ang katahimikan naming nung nagsalita sya “Naiinggit ako kay Kath” sabi nya at huminto saka tumingin sa ilog na malapit samin “Bakit ?” tanong ko, wala naman kasing dapat ikainggit sa kanya. Anong ikakainggit nya? Kalandian ? duh~ “Based on your expression iba ang nasa isip mo, no. Di ko sya kinaiinggitan dahil sa kalandian nya o sa dami ng mga lalaking meron sya, alam mo kung ano ? yun yung kaya nyang ngumiti kahit na nasasaktan sya! Gaya lang naman natin syang may problema sa buhay at pamilya pero iba eh iba talaga sya parang mas malakas pa sya kesa sakin” sabi nya at nagpatuloy lang sa paglalakad napakibit balikat na lang ako “Every person has their own way to prevent and to forget the problem”
Pagdating naming sa bahay di nga kami nagkamali na kami ang magluluto ngayon dahil walang katao tao, ano ba naman yan nakakatamad pa naman magluto ngayon pero kailangan =__= habang papunta ako sa kusina binuksan ni Anthea ang T.V “’cause I’m beautiful” napatingin tuloy ako tss assuming much =___= nung walang nahanap na magandang palabas si Anthea eh tinulungan nya na lang ako sa kusina buti naman nakaisip tong babaeng to. Saktong sakto pagkatapos naming magluto at hinahanda na naming sa mesa ay biglang pumasok si Sophia kasama si Kath, tong dalawang to pasarap lang ang kayang gawin eh =___= “Here chocolate, zake bought that” I smell something’s fishy here, bigla na lang kaming nagtinginan ni Anthea at ito namang si Katherine eh tuwang tuwa sa chocolate.
Pagkatapos naming kumain at maghugas ng pinggan eh agad na akong umakyat, naalala ko tuloy kanina daming nagkalat dito na walang kakwenta kwenta nakakasura lang talaga pero mas okay naman dito kasi iwas sa mga babaeng nadeverginized na lol =___= habang nakahiga ako at nakatulala sa kawalan eh bigla na lang may kumatok at pumasok sa kwarto ko “I saw you and Zake” si Anthea lang pala =___= “And so ?” wala akong paki kung nasa iisang bahay man kaming dalawa nagpapakatotoo lang naman ako “Anong ginawa nyo ?” tanong nya then I mentally rolled my eyes “Kelan mo pa natutunang mangialam sa mga bagay bagay sa paligid mo ? abah naman himala”pang iinis kong tanong sa kanya at binigyan nya lang naman ako ng poker face at saka naupo sa mesa or should I say sa study table ko. “Just a minute ago ? quit asking maldita just answer my f*****g question, I’m just curious yah know” tinaasan ko na lang sya ng kilay at tinitigan nya lang naman ako, hindi basta titig lang isang blangko na titig ang nakuha ko sa kanya ayos noh?
“Curiosity kills cat” and she’s the one who rolled the eyes “But sadly to say that I’m not a cat so now answer my f*****g question”di ata to papatalo eh =___= kung sabagay kelan ba sya nagpatalo ? Kung sa sagutan matatalo ko to pero sa sakitan sa tingin ko hindi =___= “Why should I need to tell you” oh Sophia! Wrong question! “Didn’t I tell you ? or you’re just a deaf maldita. I’m curious duh~ and your smile ? its different from the first I saw it. Are you in relationship with him ?” huh ? ano daw ? ano namang pinagsasabi ng babaeng to ? different ? wala namang iba sa ngiti ko ah niloloko ata ako ng gagong babaeng to in relationSHIT =___= “Look Anthea! Im just happy with chocolates and I’m not in a relationSHIT with him but I’m in REALationship with chocolates” sabi ko at nag grin naman sya, takbo talaga ng isip ng babaeng to kakaiba kaya maraming sumusuko makaaway to eh =___= “Chocolates lang ba talaga ?” with her tone of voice parang may pinapahiwatig sya ah “Drop it Anthea, its not like what you think okay ? wala akong balak!” sabi ko at umiling naman sya pero nakangiti pa rin, at yung ngiting yun nakakaasar sobra. Halatang halata sa kanya na nang-aasar sya at panalo sya naasar nga ako sa ngiti nya “Okay as you said, Oyasumi” sabi nya at umalis na sa kwarto ko [Oyasumi means Good night]
Nahiga na ako at napatitig sa ceiling, totoo bang nag iiba ang ngiti k okay Zake ? Tss, imposible naman yun di naman ako nagbibigay ng ngiti sa iba at wala din akong balak bigyan ng ngiti dito. Pero kada kasama ko sya iba feeling ko eh, iba ba talaga ngiti ko ? Hay walangjo naman oo makatulog na nga lang kung ano ano pa naiisip ko, matutulog na sana ako ng makita kong umilaw ang cellphone ko.
From : Zake
Oyasuminasai Sophia Lola, Have a sweet dreams