Ang bar? Parang second home ko nay an halos araw gabi na akong laman nyan, well 18 na rin naman ako kaya bakit pa ako pagbabawalan. Pagpasok ko pa lang sa bar lahat na nakatingin sakin, dapat lang! Maganda ako kaya dapat lang nila ako tingnan syempre wink dito wink dun kulang na nga lang mahimatay silang lahat sa saya. Hahaha hindi naman sa pagmamayabang pero nagsasabi talaga ako ng totoo. Tsk! Mga lalaki talaga basta tukso hindi nila kayang pigilan sabi nga ni ate girls can control their temptation but not their emotion and guys can control their emotion but not their temptation. Oha! May natutunan ako kay ate at mukha namang totoo yun.
Pag upo naming sa stool bar agad akong binigyan ng margarita drink dahil sa regular costumer na ako dito kaya naman alam na nila ang gusto ko “ Kath “ tawag sakin ni Janna “ Oh? “ sagot ko at uminom hindi ko alam pero sa tono ng pagtawag nya para syang nakakita ng multo “ Look “ sabi nya at tinuro ang isang guy. Tama nga parang nakakita ng multo, all of sudden nag nag flashback lahat.
First year high school ako nun may mahal ako, isa sya sa campus heartthrob kaya naman imposible na maabot ko sya pero one time nagulat na lang ako ng bigla nya akong niligawan. Mahigit 3 months nya rin ako niligawan at pagkasagot ko sa kanya dumami yung nanlait sakin nakakapagtaka kasi hindi nya ako pinagtatanggol halos one year din kaming dalawa at akala ko talaga kami! Akala ko mahal nya talaga ako! Yun pala akala ko lang lahat ng yun hahaha nakakatawa naman talaga oo! Nakita ko sya napatingin sakin at napasmirk naman ako.
“ Hey Kath! Look who’s coming “bulong sakin ni Janna at lumingon ako oohh~ si ex lang pala. Nung nasa harap ko na sya “ Maiwan ko muna kayo “ sabi ni Janna at umalis para makipagsayawan sa dance floor, umupo naman si ex sa stool bar na katabi ko “ What do you want? “ syempre kailangan magtaray “ Bumibitter si ex haha “ sabi nya at napasmirk ako, hindi naman halata na mahilig ako sa smirk noh? “ Bitter? Oh at least nakikita mo ang pag move on ko “ sabi ko at nagwink “ Move on? Wag na “ may saltik ata sa utak tong lalaking to “ Hahaha Asa! Ayoko na makulong sa anino ng relasyon natin dati! Excuse me, hindi ko na kayang Makita ka sarap kasing pumatay “ sabi ko at tumayo ako.
Nagulat ako nung may isang lalaki na tumalsik sa gilid ko parang sinuntok tapos lahat nagkakagulo ano ba to? Riot? Sa loob ng bar ni Princess? Pag to nakarating sa kanya patay ang nagsimula nito nung nagkagulo na nagulat na lang ako kasi biglang may nanambunot sakin at sa kamalas malasan nga naman yung GF pa ni ex. Pinilit kong alisin ang sabunot nya at nung naalis ko agad ko syang sinipa at natumba naman sya kaya pinatungan ko sya at pinagsasapak hanggang sa
*ppprrrrttttt*
Abah himala tumawag na ng pulis si Princess pero dahil sa asar na asar ako sa pagmumukha ng babaeng to babasagan ko ng mukha to! Hindi ako makakapyag na hindi ko magawa kahit puro dugo na ang fist ko, susuntok pa sana ako kaso may pumigil sakin at binuhat ako.
Agad naman nila akong dinala sa presinto like helloo~ nadamay at lumaban lang naman ako sino bang mga tanga ang hindi lalaban? Maybe ang mga walang lakas ng loob but not like me “ Ilang bes ko bang sasabihin? Hindi ako ang nauna! Sya! Nakikipag usap lang naman ako sa BF nya na EX ko “ sigaw na sagot ko sa tanong nila sakin, tangina paulit ulit nakaunli ata silang lahat “ Sabihin nga nating hindi ikaw ang nag umpisa pero hindi naman tama na basagin mo ang mukha nya “ sagot sakin ng pulis “ Eh ano pa ba ang babasagin ko sa pagmumukha ng hipon nay un? Kung basag na rin naman ang mukha nya matagal na “ hindi naman sila nakaimik sa sinabi ko “ Tandaan nyo ako si Katherine Kang hindi lumalaban kung hindi inuunahan ang mabait sakin mabait sakin wala akong paki sa mga may ayaw sakin hindi ako nabuhay para lang i-impress sila o kayo “ dagdag ko pa at saka naupo “ Okay makakauwi ka na kung may susundo sayo “ sabi nung isang pulis, sumuko din sila kakatanong sakin sawakas.
Kaso wow lang si kuya kung makaasta kala mo kung sino! Wait nga “ Excuse me “ sabi ko at nasitinginan naman silang lahat “ Sino may phone? Syempre dapat may load “ at dahil maganda ako nagkagulo sila at in the end si manong gwapo pulis ang hiniraman ko at denial ko ang number ni daddy “ Hello “ sabi ni daddy at naupo ako “ Hey dad pick me up here at pulis station “ kalmado kong sabi kahit na alam kong magagalit sya “ What? Ano nanamang ginagawa mo jan? “ oh diba? Makasigaw wagas “ I’ll explain later, just pick me up here im already bored I really want to go home bye “
For sure galit nag alit nanaman yun sakin pero ano bang pinagbago dun. Habang naghihintay ako kay daddy may umupo sa tabi ko at kung iniinis ka nga naman ng tadhana oo, ex mo pa and worst ang nanakit pa sayo not emotionally but physically also. I just ignore him im not on my mood to entertain him.
“ Kath “ tawag nya sain at tumingin naman ako sa kanya saka ko tinaas ang kilay ko bilang sagot “ Galit ka pa ba? “ tanong nya sakin saka yumuko “ You don’t need to ask me if im still mad at you! You already know my answer “ sagot ko at nabigla naman sya “ Sorry for what I’ve done “ he said “ Ano bang magagawa ng sorry mo? “ pokerface kong tanong sa kanya at hindi naman nya nasagot “ Tandaan mong hindi lahat ng umaalis ay bumabalik at hindi lahat ng iniiwan ay naghahabol “ pagsabi ko nun ay sakto namang dumating si daddy at nagulat sya ng Makita ang katabi ko agad akong tumayo at lumapit kay daddy baka kasi masapak nya si Ron! Yes, alam ni daddy lahat kaya inis na inis sya kay Ron dahil alam nya na si Ron ang dahilan kung bakit ako nagging ganito. Lumabas na kami sa pulis station ng binayaran nan i daddy ang mga pulis.
Pagpasok ko sa kotse tahimik lang ako ganun din si daddy sa bahay ako nyan sesermonan! At dahil tahimik bumalik lahat lahat ng nakaraan ko with Ron specially dun sa pananakit nya sakin, hindi ko pa rin alam kung bakit nya nagawa yun pero nung una lang yun nung sumunod na araw nalaman ko na kung bakit.
[Flashback]
Nandito kaming lahat sa bahay birthday kasi ng kapatid kong bunso! Kausap ko ang pinsan kong si Ace Kang gwapo yan syempre wala sa lahi namin ang panget. Si Ace lang ang kasing edad ko sa family kaya naman sya lang ang pinakaclose ko at kung hindi mo alam na pinsan ko sya baka isipin mong boyfriend ko sya sweet kasi kami sa isat isa super.
“ Oh, wine “ sabi nya sabay abot sakin nung baso na may wine “ Thanks Ace, anyways hindi ba kayo magpeperform? “ tanong ko, sa pagkakaalam ko kasi tutugtug ang banda nila ngayon “ Hindi eh! Kath pwede ba kitang mayakap? “sabi nya at dahil nga sa close kami hinayaan ko lang syang yakapin ako.
Nung niyakap nya akonagulat na lang ako ng bigla syang natumba at nung tumingin ako sa gilid ko dun ko lang narealize na sinapak pala sya ni Ron. Alam ng lahat ng nandito sa party na pinsan ko si Ace at alam din nila na boyfriend ko si Ron huinila nya ako palabas ng bahay papunta dun sa likod at saka nya ako isinandal sa pader.
“ ANO BANG PROBLEMA MO? “ sigaw nya sakin ay pulta lang bakit nya sakin tinatanong yan? “ ABAH DAPAT IKAW ANG TANUNGIN KO! ALAM MO NAMANG PINSAN KO SI ACE “ sigaw ko rin sa kanya at “ ANG LANDI MO “ sigaw nya pa pagkatapos sinapak nya ako ng sinapak at sinikmuraan. Nung napahiga ako kasi hindi ko na kaya sinipa pa nya ako. Hindi ko magawang umiyak kahit sobhrang sakit na, nung sumuka na ako ng dugo saka sya tumigil at umalis.
Pag alis nya saka na ako umiyak hanggang sa Makita na ako ni Ace na nakahiga at bugbig sarado nasira ang party ng kapatid ko dahil sakin but still inalala nya pa rin ako! One week bago ako makarecover pinahunting nan i daddy si Ron at nung day na lumabas ako sa hospital nakita ko sya sa tapat ng bar na malapit sa hospital pero hindi ko sya tinuro kay daddy hindi din kasi sya makukulong bukod kasi sa minorde edad eh mayaman din.
[End of flashback]
“ Katherine “ bigla akong nagulat ng tawagin ni daddy ang pangalan ko “ Po? “ tanong ko at humarap sa kanya “ Nandito na tayo pero wala ka pa ring balak lumabas ng kotse! Lumabas ka na may pag uusapan pa tayo “ utos sakin ni daddy na walang halaong emosyon at sinunod ko naman sya. Pagdating sa sala nandun si mommy, ate, kuya at si bunso “ Oh family meeting ba to? “ sarkastiko kong sabi.
“ Upo “ utos ni daddy at naupo naman ako “ Katherine tutal hindi ka naman natututo at napagsasabihan napagpasyahan nain na bigyan ka ng punishment “ sabi ni mommy at napataas naman ang kilay ko “ Magaganda nga grades mo lagi ka namang laman ng away, bar, pulis stayon at kung ano ano pa! Hindi mo man lang inisip pangalan ng pamilya natin dahil jan dun ka sa japan mag aaral ng high school hindi ka naman nasasabihin that’s all go to your own room “ sabi ni daddy at saka umalis sumunod naman si mommy kaming magkakapatid? Ayun dumbfounded.