Celestine’s Point of View Napabuga na lang ako ng hangin at napatitig sa kisame. It’s been three days since Soul and Sarah went to my condo. Wala na rin akong narinig na balita kay Sarah. Hindi na rin ako nag-dare na i-contact siya dahil alam kong magagalit lang siya sa kin—mas magagalit. Habang si Soul naman ay hindi ko pa nakakausap nang maayos dahil sobrang abala niya sa trabaho niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa kong sabihin ‘yon kay Sarah nang walang takot; na nagawa kong ihayag ang totoong nararamdaman ko. And I must say, it’s liberating. Sobrang saya ng pakiramdam ko matapos ko ‘yong magawa. The guilt is still there, but I realized I have no control over Soul’s feelings; na kahit gaano ko pa man siya itulak palayo, he will always come back to me if he

