Celestine's Point of View "Here, use this," bungad ko pagdating ko sa sala. Dala-dala ko ang makakapal na comforters at nang may magamit siya in case mag-decide siya na sa sahig siya matulog kaysa sa sofa since I think he needs to curl his body to fit his full size. "Wala bang kahit mattress topper man lang?" angal niya saka ngumuso bago tinanggap ang mga dala ko. Tumingin siya sa akin na para bang tutang nagmamakaawa. "Baka sumakit ang likod ko." Tinaasan ko siya ng kilay. "Kasalanan ko?" pabalang kong sagot bago siya inirapan. "Para sabihin ko sa 'yo, ikaw ang nagdesisyon na mag-stay nito. Hindi mo ako sinabihan kaya magtiis ka. Kung gusto mo ng foam, aba bumili ka bukas din at nang may magamit ka rito sa tuwing bibisita ka," sermon ko sa kanya. Bigla siyang ngumiti sa akin. "Wait,

