Celestine’s Point of View Napapikit ako nang humampas sa pisngi ko ang preskong hangin. Huminga ako nang malalim at mas dinama pa ito. Amoy na amoy ko ang alat ng dagat sa bawat hampas ng hangin sa aking mukha. Nasa unahang bahagi ako ng bangka habang sina Sarah at Soul naman ay nasa likuran. Gusto pa sana ng kapatid ko na tumabi ako sa kanila, pero ako na ang umayaw. I am trying my best to keep my distance from them. Actually, ayoko na sanang sumama pa sa kanila, pero naisip ko na baka mas magtaka pa ang kapatid ko. Sinilip ko sila sa likod. Tulog na si Sarah habang nakasandal sa balikat ni Soul. Iiwas na sana ako ng tingin nang magtapo ang mata namin ng lalaki. Hindi ko alam kung bakit, pero tinitigan ko siya. I stared at his blue eyes and did nothing more than that. Pero nang mapagtan

