Celestine’s Point of View Hindi ako makatingin nang maayos sa harapan ko, dahil kaharap ko lang si Soul habang katabi niya naman si Sarah. Nakaupo kaming lahat sa sahig at nakapalibot sa isang mababang mesa na gawa sa salamin. Sa gitna namin ay ang mga pulutan at alak na inihanda ng kapatid ko. Hindi na ako nakatanggi nang siya na mismo ang humila sa akin paupo. “Your turn, Ms. Celestine,” sambit ni Soul dahil siya ang nagsasalin sa baso. Nakangisi niyang inabot sa akin ang baso. At ewan ko kung sinadya niya ba ‘yon o nagkataon lang, pero ramdam ko ang pagtapik ng hinliliit niya sa kamay ko nang tanggapin ko ang baso. Agad kong inilayo ang kamay ko at inamoy ang alak. “It’s really strong,” reklamo ko bago inipit ang ilong gamit ang isang kamay. “I don’t think I can last for a few shot

