Celestine’s Point of View I told Soul where exactly I am. At habang hinihintay ko ang pagdating niya ay hindi ako mapakali. Kanina pa kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Ang daming mga tanong ang sumusulpot at gumugulo sa isipan ko. Pero sa isip-isip ko rin ay kailangan din naming makapag-usap at nang matapos na ang lahat; at nang tuluyan na rin akong makapag-move on. I need to clear everything from our relationship, what he felt when I left, and how he sees me now. I need to know everything so I can finally be free from any shackles of my past. Dahil sa tingin ko ay ‘yon ang dahilan kung bakit hindi ako makausad, kung bakit ang hirap-hirap sa akin na humakbang nang hindi iniisip ang nakaraan namin. Paulit-ulit ang tingin ko sa aking cellphone, nag-aabang ng mensahe niya. “Calm down, Cele

