Soul’s Point of View My body feels so weak. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang bumagsak ang katawan ko, basta ang naiisip ko lang ay kung paano ko makukumbinsi si Celestine na huwag akong iwan; na huwag akong itulak sa kapatid niya, dahil hinding-hindi ko kayang mahalin si Sarah. Magiging miserable lang ang buhay ko sa kanya at ng kanya sa akin. All of us will live a miserable life and I do not want that to happen. Kaya gano’n na lang ang pasasalamat ko nang pumayag muli si Celestine na maging kami; na ipaglaban ang pagmamahalan naming dalawa. I couldn’t be more grateful. Kahit may lagnat ay ramdam ko ang sigla ng katawan ko. I hugged her so tight. Gusto ko sana siyang halikan pero hindi pwede at baka mahawa ko pa siya. Kaya hinila ko na lang siya pabalik sa sofa at doon siya niyakap

