Chapter 25 "Sit belt" Agad na sinunod ni Gelyn ang simpleng utos na iyon ni Zach ng makasakay sila sa kotse nito. Sa likod lamang ng shooter bar ito nag parking kaya naman mabilis lang silang nakasakay doon. Labis ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa tensyong namamagitan sakanilang dalawa ni Zach Hoffman Hindi man klaro sakanya kung anong relasyon ang namumuo sa pagitan nila, alam niyang may mali sa kanyang mga nasabi kay Harold. Ngunit hindi naman niya matukoy ang bagay na iyon. Paano ba naman kasi magiging mali? Wala naman talaga silang relasyon. Technically she's just telling the truth. But how about the passionate kiss? Ganoon lang ba iyon? Pwede na bang mag halikan ngayon kahit walang relasyon? Ganoon ba maghalikan ang mga walang relasyon? Ano nga ba silang dalawa? M.U? Mutual