Chapter Two

1696 Words
Chapter 2 "Para tong baliw!" Dinedma lamang ni Gelyn ang sinabi ni Arabella. Patuloy niya padin pinaghahalikan ang four hundred peso bill na sukli ni Zach Hoffman. Kanina niya pa iyon sinasamba habang naghihintay sila sa labas ng Campus nito upang isauli ang sukli nito at upang bayaran na din ang utang nila rito. Tatlong lingo na ang lumipas simula ng mag mabuting loob itong bayaran ang order nila sa isang coffee shop. Mula noon hindi pa nila muling nakikita ito. "Hoy madumi yan!" hindi na nakatiis si Arabella at inagaw iyon mula sakanya at itinaas nito ang mga kamay sa ere habang hawak hawak ang perang pinagpapantasyahan niya. Dahil mas matangkad ito sakanya hindi na niya naabot ang kawawang pera. "Ara naman eh! Ibigay mo nga sakin yan. Kailangan ko yan halik halikan bago pa siya dumating baka sakaling magayuma ko si Zach pag nahawakan niya ang parte na nahalikan ko" Hindi nito malaman kung matatawa o mag-aalala na ba ito para sa kanya dahil sa kanyang sinabi "Gaga ka talaga ano? Nababaliw ka na ba talaga Gelyn?" mas lalo pa nitong itinaas ang hawak hawak nitong pera upang hindi niya iyon ma-abot. Halos tumalon naman siya upang maabot iyon ngunit sadyang maliit siya kumpara dito, Idagdag pang naka-heels ito. Samantalang naka white-rubber shoes naman siya. "Oo na nababaliw na kung nababaliw! Bilisan mo na Ara ibalik mo na sakin yan!" "Pag nakita ni Zach na hinahalikan mo yang pera na yan baka mandiri pa yun sayo eh!" Ibinalik na nito ang pera sakanya dahil alam nitong hindi siya susuko sa pagtalon talon. Napabuntong hininga siya "Nabasa ko lang kasi yun sa diyaryo kaninang umaga. Ayon sa love tips ng zodiac sign ko gamitin ko daw ang laway ko upang magayuma ang taong minamahal ko at iibigin daw ako ng taong mahal ko magpakailan man! As in foreveeeer!." Muli niyang pinaghahalikan ang pera. Sa totoo lang nandidiri din siya sa kanyang pinag gagawa ngunit wala naman mawawala kung susundin niya ang love tips na iyon. Isang malakas na batok ang kanyang natangap mula kay Arabella "Baliw! Yuck ka talaga Gelyn tigilan mo nga yan! Hay nako! Uuwi nako tatlong oras na tayong naghihintay dito eh. Hindi ka ba napapagod? Mag-gagabi na rin baka hinahanap na tayo, lagot ka nanaman sa mama mo" Sumimangot siya "Sige umuwi kana. Ako nalang maghihintay dito. I-lilibre pa naman sana kita mamaya ng burger" Naningkit ang mga mata nito "Tse! Akala mo siguro mauuto mo nanaman ako. Ilang linggo na tayo pabalik balik sa campus na ito. Pagod na ako. Bahala ka na diyan maghintay sa Zach mo." Akmang aalis na ito ngunit napahinto ito "G-Gelyn" Nakasimangot padin siya at hindi niya ito pinansin. Nagtatampo kasi siya dahil iiwanan siya nitong mag isa sa paghihintay. "Tse umuwi kana" Mataray niyang sagot, Pinagpatuloy nalang niyang halik halikan ang pera kaysa pansinin si Ara. "G-Gelyn ..." Hinila nito ang kanyang damit habang nakatalikod siya rito. "Akala ko ba uuwi kana? Gusto mo ng burger no? Kunwari ka pa kasi eh--" "Gaga si Z-Zach palabas ng campus nila!" Nawala ang ngiti sa kanyang labi at unti-unting namilog ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ni Ara. Agad niyang tinignan ang gate ng paaralan ni Zach at nandoon nga ito! Napatili agad siya ng Makita niya ito "Ang baby ko!!!" Tili niya Nakakapagtaka dahil naglalakad lang ito palabas ng Campus. Hindi ito nakasakay sa kotse nito. Ngunit mayroon dalawang bodyguard sa likuran nito. Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa. Hinila na agad niya si Arabella upang tumakbo palapit sa kinaroroon ni Zach Hoffman. Wala itong nagawa kundi magpatangay sakanya "Zach!" Sigaw niya kaya napatingin ito sakanilang dalawa ni Ara habang tumatakbo sila palapit dito. The moment he look at her, pakiramdam ni Gelyn huminto ang kanyang mundo at tanging silang dalawa lang ni Zach ang tao sa mundo. Napakaganda ng mga mata nito na para bang may koneksyon sa loob ng kayang kaluluwa. Something inside her feels the connection between them. Ito na ang pangatlong beses na nagkatinginan silang dalawa. Tatlong beses na siya nitong napapansin at para sakanya napaka-laking blessing na iyon para sa kanyang munting puso. Palakas ng palakas ang tibok ng kanyang puso. "Zach!" tawag niyang muli dito habang papalapit sila. Napahinto naman ito sa paglalakad at tila hinintay silang makalapit dito. Oh my Gosh. Huminto siya para hintayin ako! Kahit nanginginig ang kanyang tuhod sinikap niya parin tumakbo ng mabilis upang makalapit agad dito. Hinayaan na siya ni Ara dahil napagod na ito sa pagtakbo. Tumigil nalang ito sa isang gilid at pinanuod nalang siya sa paglapit niya kay Zach. Masaya si Ara para sakanya dahil ang tagal nilang hinintay ang pagkakataon na ito. Nang makalapit siya kay Zach Hoffman pakiramdam niya umurong ang kanyang dila. Nakakapanginig talaga ng buong katawan ang kagwapuhan nito idagdag pa na napakabango nito! Nakatingin padin ito sakanya habang hinihingal siya. Hindi niya maiwasan mailang, naisip niyang sana nakapag retouch muna siya bago humarap rito Gwapong gwapo ito sa suot nitong school uniform kahit blangko ang expresyon ng mukha nito. Hindi ito nakangiti ngunit hindi rin ito nakasimangot. Nabibingi na siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso lalo na halos dalawang hakbang nalang ang layo niya kay Zach. "Hep-Hep miss bawal lumapit" Agad naman humarang sa pagitan nila ang isang payat na body guard nito. Doon lamang napakunot ang nuo ni Zach at nag-iwas ng tingin sakanya. Nagpatuloy na itong muli sa paglalakad at hindi na ito muli lumingon sakanya. "Zach teka lang!" habol niya. Sinundan niya ang paglalakad nito kahit parang sira-ulo ang body guard nito na hinaharangan siya palapit rito. "Kuya may sasabihin lang ako kay Zach" pag-pupumilit niya "Sakin mo nalang sabihin miss beautiful sasabihin ko nalang kay bossing mamaya. Hindi ka rin naman papansinin ng bossing ko" Anito habang hinaharangan parin siya palapit kay Zach Hoffman. "Si Zach ang gusto ko kausapin kuya, sige na please!" pangungulit niya. Natatanaw niya parin si Zach kahit hinaharangan ito ng payatot nitong bodyguard na kahawig ni Vic sotto medyo mahaba lamang ng kaunti ang baba nito. "Hindi nga pwede." Mas lalo pa nitong hinarangan si Zach sakanya. "Zach, ako si Gelyn Palma! Natatandaan mo ba ako? Isasa-uli ko lang sayo yung pera mo. Yung pinang-libre mo samin ng kaibigan ko sa coffee shop?" Bumibilis ang paglakad nito kaya halos tumatakbo na siya kakahabol dito. Iwinagay-way niya ang pera sa kanyang kamay upang makita nito. "Tell her to keep it" maikling sagot ni Zach sakanya "Narinig mo yun kulit? Sayo na raw yan! Kaya huwag kana sumunod sunod kay bossing baka gayahin ka pa ng ibang babae dito" Nagpalingon lingon siya. Wala naman tao sa paligid dahil karamihan ng studyante naka-uwi na. "Zach please kunin mo lang itong pera mo, promise aalis na agad ako" Huminto ito sa paglalakad at tumingin sakanya. "Fine. Get the money Luper" Utos nito sa body guard nito. Napalunok siya dahil nakatingin ito sakanyang mukha. "Ibigay mo raw sakin ang pera miss beautiful" Kahit labag sa loob niyang i-abot dito ang pera na para kay Zach wala siyang nagawa kundi i-abot dito iyon. Lalo na nakatingin pa naman si Zach sakanya sa mga oras na iyon "Ibigay mo agad kay Zach yan kuya! Huwag mo masyado hawakan" Utos niya sa bodyguard nito. Tila kinikilabutan kasi siya dahil pinaghahalikan niya ang perang iyon kanina. Tapos mahahawakan lamang ng payatot na ito? "Grabe ka naman miss beautiful, hindi ko pagiinteresan ito. Pag load ko lang to no. Bariya lang yan sa bossing ko" Anito Tahimik lang si Zach habang nakatingin sakanya. Naiilang tuloy siya dahil hindi siya nakapag retouch kanina. Panigurado hindi na siya fresh sa mga oras na iyon. "Oh boss" Ini-abot ng bodyguard ang pera kay Zach ngunit hindi nito iyon hinawakan. Tinignan lang nito ang pera. "It's yours, Luper" Anito Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi nito. "Salamat bossing!" Tuwang tuwa naman ang bodyguard nito at hinalikan pa nito ang pera bago itinago sa bulsa. Napatakip nalang sa kanyang bibig si Gelyn dahil pakiramdam niya babaliktad ang kanyang sikmura. Napakunot naman ang nuo ni Zach ng mapansin nitong halos masuka na siya. "Oh paano ba yan miss binigay na sakin ng boss ko yung pera. Salamat ha miss beautiful?" kumindat pa ito sakanya Pinigilan niyang mang-gigil sa payatot na ito dahil nakatingin parin si Zach sakanya. "May sasabihin ka pa ba?" nabigla siya sa tanong ni Zach dahil nakatitig ito sa kanyang mata habang nagtatanong ito. "A-Ano ah eh—" nauutal niyang sagot. Wala siyang maisip na isagot sa tanong nito para kasing nagrarambulan ang mga daga sa puso niya. "Let's go home Luper" "Bye miss beautiful" Paalam naman ng bodyguard nito sakanya at sumunod na ito sa paglalakad ni Zach. Nanlaki ang mata niya dahil palayo nang muli si Zach Hoffman sakanya! "Mahal kita Zach!" Sigaw niya. Hindi na siya nag-isip pa kung bakit niya iyon sinabi. Basta iyon ang gusto niyang sabihin dito. It's now or never! Napahinto naman ito sa paglalakad. Todo ngiti naman ang bodyguard nito at tila kinilig pa sa sinabi niya. "M-Mahal kita Zach! Yun ang gusto ko pang sabihin sayo. M-Minsan lang ako magkaroon ng pagkakataon makausap ka ng ganito kaya sasabihin ko na sayong mahal kita. Napakahirap mo kasing hanapin. Araw araw nasa labas ako nitong campus mo. Halos araw araw din nasa coffee shop ako kung saan kita huling nakita nagbabakasakali akong makikita kita. Alam kong hindi mo ako magugustuhan pero masaya nakong masabi ko sayong mahal kita. Sana palagi kitang nakikita kahit natatanaw lang kita masaya na ako" Naghintay siya ng ilang segundo kung may isasagot ito. Ngunit makalipas ng ilang Segundo nagpatuloy na itong muli maglakad. Sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso hindi na niya ma-intindihan kung nasaktan ba siya o kung masaya ba siya dahil sa wakas nasabi niya ang nararamdaman niya para dito. Maya-maya pa nawala na ito sa paningin niya dahil lumiko na ang mga ito sa kanto. "Gaga!" isang kutos at yakap ang natangap niya mula kay Arabella. Doon niya lang napansin na umiiyak na pala siya. Yumakap siya ng mahigpit sa kanyang best friend at doon siya tahimik na umiyak sa balikat nito. "Mukhang si Luciper pa ang magagayuma mo Gelyn" biro nito sakanya upang mapangiti siya. "Hindi na ako maniniwala sa mga love tips" Natawa na rin siya at pinunasan niya ang kanyang luha. "Mag-mouth wash ka ng isang oras dahil maraming bacteria ang perang pinaghahalikan mo. Tara na ililibre mo pa ako ng burger!" Inakbayan na siya ni Arabella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD