Chapter 23 "Tama na harold. Patatabain mo ba ako?" Pinigilan niya si Harold sa paglagay ng mga pagkain sa kanyang plato. Halos lahat kasi ng pagkain na handa nito ay gusto nitong ipatikim sakanya. Maingay sa loob ng shooter bar. Maraming pag kain ang ihinanda para kay Harold. Very friendly ito at maasikaso sakanya kaya naman hindi rin siya nahihiya kahit pa paminsan minsan tinataasan siya ng kilay ng ibang babae sa paligid. Marahil may mga gusto ito kay Harold kaya naiinis ang mga ito sa atensyon na ibinibigay sakanya ni Harold. "Kumain ka ng kumain. Libre lang yan bukas may bayad na" Sabi pa nito bago nito ilagay muli sa kanyang pingan ang isang slice ng blueberry cheese cake. "Ano ka ba hindi ko na mauubos yan" Nalaman niyang nirentahan nito ang buong shooter bar para lamang s