Chapter 37 Pagkatapos ng pag uusap ni Gelyn at Paula, umuwi na ito samantalang nagpalipas naman siya sa coffee shop ng ilang oras upang makapag isip isip. Iniisip niya kung tama ba ang kanyang gagawin? May karapatan ba siyang pangunahan si Zach sa babaeng mamahalin nito? May karapatan ba siyang idikta kung sino ang mamahalin nito? Naputol ang pag mumuni-muni niya ng tumunog ang kanyang cellphone Arabella calling... Bumuntong hininga muna siya bago sagutin ang tawag nito. "Ano na te? Sabi ko sayo tawagan mo ako pag dating mo diyan" Bungad nito pagsagot niya sa tawag nito "A-Ara" Malungkot niyang sagot "Oh? Anyare sa boses mo? Bakit parang may nangyaring masama sayo?" Ikinuwento niya rito ang lahat ng kanyang narinig, at ang pag uusap nilang dalawa ni Paula. "Ay gaga! Gelyn tigil t